Home I  Entertainment  I Lifestyle I  Business  I  Places  I  Music  I Sports I  News  I
Other Features
Advertise
Advertise
 
Martin Nievera naiyak dahil kay Pops
 
 
OBVIOUS na hurting si Martin Nievera nang interviewhin ito sa US ni Jing Reyes para sa The Buzz. Ito’y dahil sa mga ibinulgar ng ex-wife niyang si Pops Fernandez sa Yes! Magazine tungkol sa kung paano siya niloko ni Martin at ng current girlfriend nitong si Katrina Ojeda habang mag-asawa pa ang singing duo.

“It was a shock really because I think I know why (Pops talked to Yes!). I’m almost sure I know why Pops is doing this,” ani Martin. “She wants them to surely believe why she made such a big deal about a misquote of Katrina saying something about the ‘monkeys.’”

If you guys remember, chumika kasi si Katrina na “Martin’s kids were jumping like monkeys on the bed” habang kinukuwento niya kung paano nasira ang kama ni Martin. Minasama ito ni Pops at ayon sa Concert Queen eh recently lang niya ito nalaman. Nagalit siya kay Katrina dahil tinawag daw na monkeys ang kanyang mga anak at nagalit naman siya kay Martin dahil hindi nito ipinagtanggol sina Robin at Ram.

Kung dating laging nagpapatawa lang si Martin during interviews, very emotional naman this time ang Concert King. Actually, pinaghalong guilt at galit ang nakikita naming nararamdaman ni Martin during the interview dahil ika nga niya, nine years ago pa nang mangyari ang mga ikinuwento ni Pops sa Yes!

“I feel naked. It’s the first time in my life I have ever felt naked on stage, on TV, in front of the camera. I don’t know how to appear. I’m not confident anymore. I feel ugly. I feel like what I’ve felt nine years ago. It’s like I’m a winner in disguise. Because inside talaga, I’m a loser. That’s how this article made me feel.”

“I’m just here to let everybody know I am guilty only of one thing and that was the result: what happened on the 20th page, which is the family broke up. I don’t think people need a visual or a commentary or an editorial about what I did. We all know what infidelity looks like.”

Hindi naman magawang magalit nang husto ni Martin kay Pops, bilang respeto na rin siguro sa kanilang mga anak. Pero halatang inis si Martin dahil aniya, ilang beses siyang nag-text kay Pops pero wala siyang natatanggap na sagot mula rito. Aniya, sa tingin nya’y deserving naman siyang makatanggap ng text man lang mula kay Pops kung anong dapat niyang gawin para magkausap sila at hindi sa press na lamang niya nalalaman kung anong gusting sabihin ni Pops.

Nang hingan ng mensahe para kay Pops, ito ang nasabi ni Martin: “I know what I did to you is unforgivable but that was a long time ago. I’m hoping for the sake of everybody, especially our children, if you forgive me for that. I know forgetting is a tall order but... I don’t know why,” at dito tuluyan nang nag-breakdown ang boses ni Martin.

At bilang parting message niya kay Pops: “For whatever it is that it hurts you about me, I’m really, really sorry.”

 
 
Anong pakulo naman ito?
 
 
 
 
Ilang araw na ring nagsi-circulate sa Internet ang series of paparazzi shots ni Gretchen Baretto na nakikipag-lunch sa isang unknown guy. May malisya ang pagkalat ng photos na ito sa net dahil sa mismong subject headers eh nakalagay ang: “La Greta does it again” o di kaya’y “Ito na ba ang ipinalit ni Gretchen?”

Pero tingin namin, hindi naman tanga ang La Greta para gumawa ng isa na namang kabulastugan, in full view pa ng lahat at in broad daylight. Ayon nga sa mga skeptics, mukhang pakulo ito ni Gretchen o ng isa sa mga produktong ini-endorse nito. At take note ha, sa series of photos eh nanatiling hidden ang face ng guy na kasama ni La Greta. Actually, parang gusto pa ngang ibigay na impression dito eh si Tony Boy ang guy, kasi parang…How do we say this delicately…older ang guy.

Kaya bago mag-isip ng kung anu-ano, kilatisin munang mabuti ang photos. Dahil baka magulat tayo, ang statement lang pala ni Gretchen tungkol sa pictures na ito eh, “Olay lang ‘yan!”
 
 
 
Comments
I  About Us  I  Gallery  I Contact Us I  Links I  Archive  I  Be A Publisher  I Advertise I  Classified I
Copyright 2006. All Rights Reserved