I  Home  I  Entertainment  l  Lifestyle  l  Business  l  Places  l  Music  l  Sports  l  News  l
 
Advertise
Advertise
 
Da Inner Ear
 

Sey mo, Georgina? Look-alike ni Anne and bago ni Richard

 
 

LOOK-ALIKE ni Anne Curtis ang bagong leading lady ni Richard Gutierrez sa Captain Barbell ng GMA-7. That’s why this early, inili-link na sa isa’t isa si Rhian Denise Ramos at ang bida sa pinakabagong fantaserye ng Siyete.

Sa press launch ng CB, kinumusta namin kay Chard kung may bonding moments na ba sila ni Rhian at kung may chemistry na bang masasabi ang kanilang team-up.

Very casual na sagot ng bagong superhero, “She delivered more than I expected. Kasi nu’ng audition, parang may shell pa siya, ngayon, okey na, nakakapag-deliver na siya nang husto.”

May possibility kayang ma-develop sila sa isa’t isa since matagal-tagal silang magsasama sa CB?

“I can’t say that. She’s too young, she’s only 17. May girlfriend din ako ngayon. But masasabi kong si Rhian, nagkakagulo ang mga lalaki diyan. You know… she’s a happy-go-lucky girl… maganda siya, okey ang personality niya, she can easily go along with other guys,” deskripsiyon ni Richard sa dalaga.

Sa tono ng pananalita ni Richard, mukhang hanggang pang-TV nga lang ang team-up nila ni Rhian dahil mas matimbang pa rin sa matinee idol ang girlfriend na si Georgina Wilson.
Well, let’s see…

 
 
Kahit wala na si Nancy…
 
 

Roxanne, 'Di type patulan ni John Prats

KUNG
faithful si Richard sa kanyang model GF, ‘di rin naman pahuhuli itong si John Prats na stick to one lang kung magmahal.

Sa interbyu namin sa kanya sa presscon ng Manay Po, inamin niyang

kahit wala pa silang pormal na relasyon ni Nancy Castiglione, ‘di siya na-tempt na ligawan ang Pinoy Big Brother Celebrity Edition housemate na si Roxanne Barcelo kahit ipinu-push pa sila ni Kuya.

“Nu’ng pumasok kasi ako du’n, naka-set na sa mind ko na may iniwan ako sa labas. So, ayoko namang masaktan si Nancy.”

E, kung wala si Nancy, liligawan ba niya si Roxanne?
“Hindi pa rin,” maikling sagot ni John.

Naku, ‘wag na kasing pilitin. Baka ‘di lang talaga type ni John itong si Roxanne.

At saka sa ngayon, mas priority ni John ang showbiz career niya. Kaya nga raw nagkaroon sila ng mutual decision ni Nancy na ‘wag munang ituloy kung anuman ang maganda na sanang nabubuo between them, e.

Sayang naman ang opportunity, ‘di ba?

 
 
More on John
 
 

Nakarating sa amin ang balitang imbiyerna pa rin kay John Prats si Tita Chit Ramos, manager ng dati nitong ka-love team na si Maja Salvador.

Bukod kasi sa nakarating sa manager ang sinabi ni John sa ilang reporters na naging sila ni Maja for one month, inindiyan pa nito ang nakaraang dance concert ni Maja sa

Zirkoh-Greenhills.

Kaya hayun, na-high blood na naman si Tita Chit dahil si John daw ang tawag nang tawag na male-late lang ito dahil nagte-taping pa ng Bituing Walang Ningning, pero ang katapus-tapusan, wa’ appear nga sa dance concert ni Maja.

Bakit daw ang co-star nito sa BWN na si Carlo Aquino ay nakahabol, pero si John, wa’ talaga! Kaya ang nanggagalaiting sey sa amin ng mataray na manager, “Nagpa-reserve pa siya sa akin ng tiket, hindi na nga siya dumating, hindi pa rin niya binayaran ang tiket!”

Aray ko! John, may natira pa naman siguro sa P500 thou na premyo mo sa PBBCE, ‘no?

 
 
‘Agimat’ ni Bong, ‘Di umubra kay Precious Lara
 
 

AMINADO ang Miss International na si Precious Lara Quigaman na maganda ang naging bonding nila ni Sen. Bong Revilla, Jr. while shooting Kapag Tumibok ang Puso (Not Once But Twice).

“Very friendly, very caring, maalaga talaga siya,” ang mga papuring ibinigay ni Precious para sa leading man sa bagong pelikula ng Imus Productions

Pero kahit nakuha na ng aktor-pulitiko ang loob ni Lara, nanindigan pa rin ang beauty queen na hindi magpahalik sa kanyang leading man kahit kailangan pa sa eksena.

Pinangangalagaan ni Lara ang kanyang title as Miss International kaya gusto niyang manatiling wholesome sa mata ng publiko.

Sori ka na lang, Sen. Bong, mukhang nawalan ng powers ang vertud mo, ha?

But at least, nandiyan naman si Ai Ai… at si Direk Wenn Deramas na hindi lang once but twice pang willing magpahalik sa ‘yo! Hahaha!

Sa beauty
niyang ‘yun?

Mestisang young actess, in da closet!

One of the prettiest faces in showbiz ang mestisang young actress na ito. May ka-love team siyang batang actor na matinee idol din naman. Pero ang nakapagtataka, kahit ang tagal-tagal na nilang magkatrabaho ng kanyang ka-love team, mukhang wala silang attraction sa isa’t isa.

Isang informant ang nakapagsabi sa amin na paano ba naman daw maiinlab ang mestisang young actress sa kanyang ka-love team, e, may pagkatibo pala ito? Sey pa ng informant namin, bago pa pala pumasok ang mestisang aktres sa showbiz, e, may karelasyon na itong t-bird din!

At nang nasa mundo na siya ng showbiz, nagkahiwalay nga sila ng unang dyowang tibo pero ang ipinalit niya rito ay isang tibo rin!

Kalokah, sa beauty niyang ‘yun, part of her, e, pards din pala

 
 
 
 
l  About us  l  Gallery  l  Contact us  l  Links  l  Archive  l  Be a Publisher  l  Advertise  l  Classified  l
Copyright 2006. All Rights Reserved