KUNG
pamantayan, o standard ng traditional politics ang
pagbabasehan, kumain sana ng alikabok sa huling election
itong sina Governor Grace Padaca at Gov. Among Ed
Panlilio. Pero alam na ng lahat na hindi.
“Wala akong election fund,” sabi ni Gov.
Padaca sa audience na tinipon ng People’s Assembly
for Genuine Alternatives to Social Apathy (PAGASA)
Sa ikalawang pagtakbo niya sa eleksyon sa Isabela,
bukod sa barya-barya, “donation in kind, gaya
ng biscuits, bottled water,” ang mga natanggap
niyang suporta.
Ang
Isabela ay isa sa mga probinsya na ikinukonsidera
bilang teritoryo ng traditional politicians. Sa
loob ng 40 taon, dy-nasty ng angkan ni Faustino
Dy Jr., tinalo niya sa pagka-gobernador noong 2004,
ang umupo sa iba’t ibang level ng local government
units ng probinsya..
“High
moral ground ang panapat namin,” ito naman
ang inilahad ni Gov. Among Ed sa unang kandidatura
niya sa Pampangga nitong 2007. Kung sa kabilang
partido ay pumipila ang mga tao para humingi ng
pera at pagkain, mahaba rin ang pila sa kanila,
“mga nagdu-donate,” ng kahit magkano
at panawid-gutom noong panahon ng kampanya.
Gaya
ng Isabela, ang Pampangga y kuta rin ng mga trapo
o traditional politicians. Ang mga pinataob ni Gov.
Among Ed sa probinsya nila ay sina dating gobernador
Mark Lapid, anak ni Sen. Lito Lapid; at si Baby
Pineda, asawa ng kilala at sinasabing jueteng lord
na si Bong Pineda.
“Jueteng
lord can make a barangay councilor, barangay captain,
municipal/city councilor, mayor, board member, congressman,
senator and a president win,” kwento pa ng
dating pari na naging pulitiko. Pero nitong nakaraan,
nabigo ang jueteng lord sa gobernador.
Pinakamahirap
Tugma
ang mga obserbasyon ng dalawa, na ang pinakamahirap
na bahagi ng pagiging “new politician”
ay ang pag-upo sa pwesto at pagpapatupad ng mga
programa.
Dahil
hindi sinunod ng mga Dy loyalist sa kapitolyo ang
awtoridad at ayaw sumuporta sa programa ng bagong
gobernadora, kinailangang suspendihin ang mga ito
para lumarga ang serbisyo ng pamprobinsyang pamahalaan.
Samantala,
habang hindi pa naibabang-luksa ang dalamhati sa
barangay upisyal na supporter ni Gov. Among Ed,
pinatay noong kampanya, umapila siya sa audience
para sa tulong na magsusulong ng jueteng eradication
program sa probinsya.
Sabi
pa niya na ang shortlist ng mga awtoridad na may
kakayahang pumigil sa iligal na sugal ay hindi umaabot
sa kanya. Ang shorlist na ito ay pinipili ng mga
lider ng gobyerno at civic groups para makatuwang
ng kapitolyo.
Hinihinala
niya na ang impluwensya ng jueteng lord ay umaabot
sa higher command at lehitimong upisina ng mga awtoridad
at pamahalaan.
Inaakala
ng mga supporter at lider na namihasa sa tradisyunal
na pulitika, na kagaya rin nila ang dalawang new
politicians. “Pero kailangang ipakita sa kanila
ang tapat na pagsiserbisyo,” para makita ang
pagkakaiba ayon kay Bing Franco, staff ni Gov. Padaca.
Ang
subsidy sa aning palay ng mga magsasaka sa Isabela
ay naitaas sa P11.00 kada kilo mula sa average na
P5.00. Ayon pa sa polio survivor na gobernadora,
“70 percent of Isabelino farmer’s produce,”
ay pwedeng ipamahagi sa labas ng Isabela.
Sa
panig ni Gov. Among Ed, sa loob ng sampung buwan,
ang kapitolyo ay “nakaipon ng P200 milyong
quarry collections.”
Wala,
wala, wala
Sa
huling speech na nakalaan kay Mr. Nicanor Perlas,
PAGASA, ipinaliwanag niya na bagamat walang pondo,
walang goons, walang baril, walang political strategy
at walang political machinery, na karaniwang mayroon
ang mga Trapo, ang phenomena nina Gov. Grace at
Gov.Among Ed, ay “symptoms of a problematic
political system.”
“People
are dissatisfied with the state of decadent politics,”
ayon pa sa tagapagsalita ng PAGASA. Tinukoy pa niya
na ang disgusto ng mga tao sa mga trapo ang siya
ring nagpanalo sa mga bagong pulitiko.