SA
gitna ng isyu sa krisis ng bigas, may mga nagmungkahi
na ‘wag na lang bigas ang kainin ng Pinoy upang
hindi maapektuhan ng krisis na ito.
______________________________________________________________________________________
Sa katunayan, hindi lang bigas ang dapat bigyang pansin
‘pag dating sa pagkain ng Pinoy. Manapa’t,
tingnan na rin natin ang mga kinakain ng Pinoy ngayon;
upang masuri kung nakakatulong at nakakamura nga ba
ang mga pagkaing ito.
Sa
isang mabilis na pasada, ang mga karaniwan, paborito,
kinasanayang pagkain circa 2008 ay: pandesal, sardinas,
luncheon meat, instant noodles, hamburger, pizza,
spaghetti, adobo, tilapia, hotdog, longganisa, tocino,
itlog, sinigang, paksiw, ginataan, manok, tuyo,
munggo.
Ang
mga nabanggit ay maaaring kulang pa, pero ang mga
ito ang kadalasang nagiging pang-ulam o pang-meryenda.
Samantala, hindi na maaalis sa Pinoy ang iba’t
ibang softdrink at kape.
Sa
isang mabilis na pasada rin, parang walang mali
sa mga pagkaing ito. Pero mayroon. Malaking kamalian.
Bakit mali?
Imported
lahat
Ang
kinakain ng Pinoy ay nakabatay at dependent sa mga
sangkap mula sa ibang bansa.
Ang
pandesal, instant noodles, hamburger, pizza at spaghetti
ay pawang gumagamit ng harina. Ang harina ay galing
sa wheat. Walang wheat sa Pilipinas. Sa gayon, dependent
ang mga pagkaing ito sa export mula sa ibang bansa.
Sa gayon, mahal at talagang magmamahal ang mga ito.
Ang
hamburger, luncheon meat, hotdog, at iba pang luto
ng manok ay umaasa sa malakihang industriya ng paghahayupan.
Walang masasabing cattle industry, babuyan o manukan
ang Pilipinas na makasasapat sa malawakang produksyon
ng hamburger, luncheon meat, hot dog at pang-araw-araw
na luto ng manok.
At
kapag pag-import na ang usapan, pumapasok na ang
usapin ng politika o pamumulitika. Malaking pera
kasi ang involved.
Masdan:
Noong huling quarter lamang ng 2007, ang imported
na manok ay umabot sa 32 milyong kilo. Kalahati
nito ay galing sa America, at 40 percent ay galing
sa Canada. Halos 100 libong metriko tonelada ang
imported na beef noong 2006. Halos 60 libong metriko
tonelada naman ang imported na baboy.
Sa
baboy, ang karaniwang iniimport ay balat ng baboy,
taba at laman loob. Ginagamit ito sa mga pinoprosesong
pagkain tulad ng hotdog; at, believe it or not,
imported din ang mga balat ng baboy na ginagawang
chicharon.
Taun-taon,
lumalaki nang lumalaki ang mga importasyong ito
dahil sa dalawang bagay: ang pagtaas ng mga ipinapakain
sa mga hayop na ito (na nangangahulugan ng pagbaba
ng produksyon at pagtaas naman ng presyo ng lokal
na karne), at ang obligasyon ng Pilipinas na mag-angkat
dahil sa mga kasunduan sa global na kaayusan ng
ekonomiya.
Higit
pa sa bigas, ang importasyon ay siya nang gawi ng
pamahalaan para pakainin ang Pinoy na ngayon ay
may panlasa sa pagkaing dayuhan.
Siksik
sa preservatives
Bukod
sa usapin ng importasyon, mabilis ding maoobserbahan
na ang karaniwang kinakain ng mga Pinoy ay hindi
healthy. Kung nagbabasa lamang ang Pinoy sa nakasulat
sa mga produktong binibili nila, madaling makita
na ang mga delata, halimbawa, ay nagtatampisaw sa
sodium, mga preservative, MSG, at taba. Ganoon din
ito sa halos lahat ng processed food; pati na ang
lokal na longganisa at tocino, ang mga instant noodles,
at ang mga cubes na panimpla sa lutong-bahay.
Masdan
ang nakalagay sa Nutrition Facts ng isang brand
ng sardinas. Mabentang mabenta ito. Kahit isda ito
na inaakala nating higit na healthy kaysa sa karne:
Total
Fat 15%
Saturated Fat 15%
Cholesterol 15%
Sodium 8%
Idagdag
pa natin ang mga kemikal na ginagawang pataba sa
mga gulay at ang feeds, growth at sex hormone para
sa lokal at imported na paghahayupan at isdaan.
Ang pagkaing Pinoy ngayon ay parang pagkain na rin
ng mga kemikal, feeds, preservative at MSG na pawang
produkto rin ng mga dayuhan.
Ang
resulta? Nilalaman ng mga dyaryo at iba pang media
ang mga teenager na namamatay sa high blood; sakit
sa puso, atay, bato; at ang dumaraming nagkaka-cancer.
Love
natin ang KFC
Bakit
nagkaganito ang pagkaing Pinoy?
Malaki
ang kasalanan ng advertisement, at ang kulturang
pinaiiral upang tumingala sa mga gawi ng dayuhan.
Opo,
hindi lamang usapin ng ekonomiya at politika ang
pagkain; usapin din ito ng kultura.
Hinubog
at hinuhubog ang isipan ng Pinoy sa kultura na dapat
paboran niya ang asal ng mga dayuhan o produkto
ng mga dayuhan.
Sa
pagpasok ng dekada ‘70, hindi pa sikat ang
french fries, hamburger at deep fried chicken; mga
pagkain itong notorious sa saturated at transfat,
bukod pa sa cholesterol. Sa katunayan, umatras muna
ang Kentucky Fried Chicken sa mga panahong ito;
gayon ding hindi makaporma ang McDonald’s
hamburger. Panahon iyon ng matinding nasyonalismo.
Nakita
din kasi ng mga Pinoy na bland ang lasa nito o talagang
walang lasa ‘pag hindi ginamitan ng ketchup
o gravy. Pero dahil sa advertisement, naging uso
ito na para bang hindi kumpleto ang pagkatao ng
Pinoy ‘pag hindi siya nakakakain ng “bad”
food na ito na wala pang lasa.
Advertisement
din ang nagturo sa kabataan ngayon na masarap magkape
kahit halos P100 ito (pero umaangal sa P35 presyo
ng bigas); na hindi kumpleto ang salu-salo ‘pag
walang softdrinks (na pulos asukal lang); na dapat
mag-gatas (samantalang may lactose intolerance ang
Pinoy, at walang cattle industry ang Pilipinas);
na mas masarap ang prutas ng ibang bansa (na puro
kemikal na pampatagal ng shelf life); na masama
ang coconut oil; na dapat mas kumain ng karne; at
marami pang iba.
Gulay
at isda
Nang
pumasok sa isipan ng Pinoy na dapat kumain siya
ng pagkain ng ibang bansa (o ng pagkain mula sa
gustong i-export ng ibang bansa), lumaki ang importasyon
ng Pilipinas at nakawawa ang lokal na produkto.
Nakawawa rin ang kalusugan ni Juan dela Cruz.
Samantala,
kahit na lahat ng nutritionist ng buong mundo ay
nagsasabing higit na healthy ang gulay at isda (o
mga natural na pagkain), wala nang panlasa ang Pinoy
sa wastong pagkain.
Ipagyayabang
pa niya na nagiging makabayan siya kapag kumakain
ng adobo (na naglalangoy sa mantika), lechon (na
panay cholesterol), at balot (na pulos uric acid).
Syanga
pala, dala rin ng dayuhan ang mga pagkaing yan.