I  Home  I  Entertainment  l  Lifestyle  l  Business  l  Places  l  Music  l  Sports  l  News  l
Entertainment
Advertise
Advertise
 
Makabagong Teleserye Icons
Ang mga humalili sa trono nina Claudine at Juday

 

SA bawat teleseryeng pinapalabas sa telebisyon, bibihira lang ang mga bida na talagang tinangkilik ng manonood. Iyong bago pa man umere ang palabas nila ay malakas na ang dating nito sa mga masang siyang suki ng mga mga dramang talagang inaabangan at kinapapanabikan. Iyong tipong tumagal ang pamamayagpag sa ere. At syempre, ‘yung kahit matagal nang natapos ay pinag-uusapan pa rin dahil maganda ang iniwang marka sa primetime television.


Kaya naman, sa panahon ngayon kung saan madaling magsawa ang tao sa mga paulitulit na kuwentong napapanood nila tungkol sa kanilang iniidolong mga bida, at sa pagusbong ng cable TV, DVD player at digital films, sinu-sino ba ang naging ICON ng mga manonood at naging kasalo nila sa hapunan sa gabi-gabi nilang panonood.
 
Sexy Body + Handsome Looks + Huge Billboards + Action Stunts = JAKE CUENCA
 
 
Matapos ang maliliit na roles na ginampanan niya sa mga soap opera ng GMA 7, lumipat si Jake Cuenca sa ABS CBN upang magkaroon ng bagong direksyon ang kanyang karera. Hindi nagtagal, masuwerteng napasama siya sa isa sa mga episode ng Sineseye Presents ng Kapamilya channel, ang Natutulog Ba ang Diyos?, ang unang teleseryeng dapat sana ay pang-hapon lang ngunit inilipat sa primetime slot. Nasali siya sa love triangle with Roxanne Guinoo at Joross Gamboa. Nang matapos itong umere, nagbida siya sa isa mga bagong teleserye ng Channel 2 sa 2008, ang Palos kung saan ginagampanan niya ang papel ni Gian Carlo alyas Palos, na unang pinasikat sa pelikula ni Bernard Bonnin.

Crush Ng Bayan + Matinee Idol + Bachelor + Golden Voice + Dramatic Actor + Libel Case = PIOLO PASCUAL

Nakilala si Piolo Pascual bilang ang kontrabidang si Raffy sa series na Sa Sandaling Kailangan Mo Ako kung saan nakatanggap siya ng Asian TV Award Best Drama Actor. Naging katambal siya ni Judy Ann Santos sa Esperanza sa isang love triangle kasama si Wowie De Guzman at sa Sa Puso Ko Iingatan Ka. Naging kaparehas naman niya si Claudine Barretto sa panghapong series na Buttercup na nasundan ng kanilang muling pagtatambal sa Walang Kapalit. Nagbida din siya sa Mangarap Ka kung saan nakatambal naman niya si Angelica Panganiban. Matapos lumipat ni Angel Locsin sa Kapamilya Network, mapalad na sa kanyang unang ipinareha dito sa primetime show nilang Lobo.

Half Ibon + Half-lobo + Fhm #1 Sexiest Woman + Darna Costume + Sex Scandal + Career Move =ANGEL LOCSIN

Bago pa man umangat ang pangalan niya sa pagganap sa papel na Darna, unang nasilayan si Angel Locsin sa youth-oriented show na Click. Nabigyan din siya ng matinding exposure sa mga show ng GMA 7 gaya ng Ang Iibigin ay Ikaw Pa Rin, All Together Now at Love to Love. Ngunit sa telefantasyang Mulawin siya nakilala at sumikat sa papel niya bilang si “Alwyna”, kung saan ipinareha naman siya kay Aguiluz na ginampanan ni Richard Gutierrez. Mapalad siyang nakuha sa papel na Narda/Darna sa remake ng obrang ito ni Mars Ravelo para sa telebisyon at naging usapusapan dahil sa taas ng ratings ng Darna pilot episode. Pagkatapos ng isang taon, nagbalik ang tambalan nila ni Dennis Trillo, kung saan nagbida sila sa isa na namang fantasy series na Majika. Kahuli-hulihan niyang project ang Asian Treasure. Nakasama niya rito ang action star na si Robin Padilla, at matapos nito’y lumipat na siya sa ABS-CBN kung saan nabigyan siya ng pagkakataong magbida muli sa isang primetime series katambal naman siPiolo Pascual para sa telseryeng Lobo.

 
 
Marimar Dance Move + Consistent Highest Rating Soap + Solo Dance Album + Box Offi ce Hits + Most Popular Actress = MARIAN RIVERA

Maingay ang pangalan ni Marian Rivera matapos ang matagumpay na pagtatapos ng pinagbidahan niyang Marimar na unang pinasikat ng Mexican soap actress na si Th alia. Ngunit sa mga pang-hapong soap opera gaya ng Kung Mamahalin Mo Lang Ako, Agawin Mo Man ang Lahat at Pinakamamahal siya nagsimula, kung saan nakasama niya dito si Oyo Boy Sotto. Naging cast din siya ng Muli, kung saan gumanap siyang asawa ni Alfred Vargas, bago siya napasali at napanood sa primetime TV ng telefantasyang Super Twins. Ngunit ang Marimar ang nagpabulusok ng kasikatan ni Marian, hindi tulad noon na hindi siya maalala ng mga manonood sa kanyang mga pagganap. Ngayon, ginagawa na niya ang kaabang-abang na remake ng Dyesebel sa primetime TV kung saan siya ang gaganap sa papel na pinasikat nina Vilma Santos, Alice Dixon at Charlene Gonzalez.

Half Ibon + Half Ahas + Pinoy Superhero + Chickboy + Buena De Familia + Primetime King = RICHARD GUTIERREZ

Nakilala si Richard Gutierrez sa cute na cute na commercial ng Nestle Twins noong bata pa sila ng kanyang kakambal na si Raymund. Ngunit nang magbinata, nakilala siya bilang isa sa mga freshest at most handsome faces ng industriya. Sumikat siya bilang ang taong ibon na si Aguiluz sa hit na telefantasayang Mulawin. Naging superhero din siya sa primetime television sa isa sa mga sikat na komiks ni Mars Ravelo, ang Captain Barbell. Pagkatapos ng mataas na paglipad ng nauna niyang fantaserye, hindi kataka-takang nasundan ito ng kabi-kabilang projects gaya ng Sugo at Lupin kung saan ginampanan niya ang Japanese anime character na sumikat dahil sa galing sa pagnanakaw. Kasalukuyan siyang napapanood gabi-gabi sa teleseryeng Kamandag ng Kapuso Channel, kung saan gumaganap siya bilang si Vergel, isang taong ahas.

 
 
 
NI JAKE T. DE LUNA
 
l  About us  l  Gallery  l  Contact us  l  Links  l  Archive  l  Be a Publisher  l  Advertise  l  Classified  l
Copyright 2006. All Rights Reserved