I  Home  I  Entertainment  l  Lifestyle  l  Business  l  Places  l  Music  l  Sports  l  News  l
 
Advertise
Advertise
 
Angel Locsin and Piolo Pascual
 
Angel finds her wings

CERTIFIED Kapamilya star na nga talaga si Angel Locsin at nakatawid siya nang maayos sa unos na kinaharap niya kaugnay ng kanyang kontrobersyal na paglipat mula sa GMA-7. It was a harrowing ordeal for Angel and to think na-realize niyang napakabata pa niya para humarap sa ganoon katinding kontrobersya.
______________________________________________________________________________________

“Unti-unti, aayusin ko ang mga bagay na hindi pa naaayos. Darating din ‘yun, lalo ngayong medyo tahimik na rin at nakakapagtrabaho na ako nang maayos.

“Naroroon pa rin sa akin ang kagustuhang makipag-usap sa mga taong pinagkakautangan ko ng loob. Pati kay Mother Lily (Monteverde) na nagbigay sa akin ng breaks sa Regal,” nasabi na lang ni Angel.

Marami pa ring naririnig na kung anu-ano si Angel, mga pahatid na salita ng kung sinu-sino, pero minabuti kasi niyang mag-concentrate sa kanyang pagtatrabaho bilang isang Kapamilya.

“Ayokong sayangin ang tiwala at pakikipaglaban ng ABS-CBN para sa akin,” lahad ng young actress. “Kaya ll0 percent ang ibinibigay ko. Sa taping ng Lobo, nakatutok talaga ako. Ayokong magpaapekto sa mga intriga, kahit may pagkakataong nasasaktan na ako.

“Pero, ‘yung experience na ‘yan, nagturo sa akin para lalong magsikap. Alam ko kasi, sa banding huli, ang paghuhusga sa akin ay ibe-base pa rin sa kung ano ang na-achieve ko, at naniniwala akong wala akong tinapakang tao,” sabi pa ni Angel.

The truth about Luis

Sa pagpasok ni Angel sa Dos, marami raw ang naisantabi na mga datihan na roon. Aware ba si Angel na may ilang nagrereklamo dahil sa sobrang atensiyong ipinagkakaloob ng ABS-CBN sa kanya?

“Huwag naman sana,” sabi pa ni Angel. “Palagay ko, may kanya-kanyang panahon, may kanya-kanyang opportunities para sa aming lahat. Hindi ako naniniwalang lahat ng atensiyon ay naibigay na lang sa akin.

“Isa lang ako sa maraming natutulungan ng ABS-CBN. Siguro, bago pa lang ako sa kanila, at ako ‘yung nangangailangan ng malaking suporta. Sana, maintindihan nila kung saan ako nanggaling at ano ‘yung naging problema.

“I still believe, wala akong tinapakan. There’s still a lot of room for all of us at ABS-CBN,” paliwanag pa ng young actress.

Lumabas nga mismo ang katotohanang sila ni Luis Manzano ay exclusively dating na ang set-up sa ngayon. Akala ba namin ay tututukan ni Angel ang career niya sa pagpasok sa Kapamilya Network? Bakit parang pakikipagrelasyon yata ang isa sa una niyang sinabakan?

“Unfair yata na i-judge ako that way,” depensa ni Angel. “Si Luis kasi ang kauna-unahang taga-ABS-CBN who sincerely showed his warmth to welcome me.

“’Yung iba, understandably, hindi pa nila ako masyadong kilala. Kinilala muna nila ako, at saka sila nagparamdam ng warm welcome sa akin.

“Marami na akong friends sa ABS-CBN kaya nararamdaman kong ito na talaga ang tahanan ko. With Luis naman, we’ll see kung magkakakilanlan kaming mabuti as we are exclusively dating.

“It’s too early to say that we are already in a relationship. Naka-concentrate pa rin ako sa trabaho, and Luis naman is willing to wait.

“It’s true, hindi naman ‘yan ang priority ko. Marami pa akong dapat intindihing trabaho. In fairness kay Luis, nadala talaga ako sa sincerity niya,” pahayag ng aktres.

The score with Piolo
Hindi ba sincere si Piolo sa kanya?

“Wala akong sinasabing ganyan. In fairness kay Piolo, mataas din ang respect niya sa akin. Nagkakaintindihan kami niyan pagdating sa trabaho. Ini-enjoy namin ang closeness namin professionally, and personally na rin.

“Iba lang talaga ang tingin namin sa team-up namin ni Piolo as of now. Masaya kami na magkatrabaho lang muna. We have this secret pact that we don’t have to make a serious and deeper meaning out of our friendship.

“Tama lang itong nag-e-enoy na muna kami,” lahad ng young actress.

Sport lang si Angel kung ganyang ang itinatapat sa kanya ay si Marian Rivera na parang napakabilis ng pagsikat dahil sa Marimar.

“Happy talaga ako para sa kanya. Walang halong kaplastikan. Sa kanya talaga ang Marimar, the fact na inalok sa kanya ‘yun na wala na ako sa GMA-7. Natanggap ko agad ang katotohanan na deserving siya sa magagandang bagay na nangyayari sa career niya.

“Pinaghirapan din naman ni Marian ‘yun. She deserves everything good in her career and personal life. I don’t think na magkakaroon ng iringan sa amin, o problema,” pahayag ni Angel.


 
Don’t hate me cause I’m beautiful
 
MAY nagsasabing setback daw ng tambalang Piolo Pascual-Angel Locsin yaong sinasabing mas nakakamabutihan pa ng huli kay Luis Manzano. Bini-build up nang husto ng ABS-CBN ang teamup nina Piolo at Angel sa Lobo, isa sa mga bagong teleseryeng binuksan ng Kapamilya Network kamakailan sa ere.

“Yung closeness namin ni Angel, it didn’t promise anything to anyone,” sabi na lang ni Piolo. “Maganda lang talaga ang samahan namin, at kung totoong Angel and Luis are exclusively dating, labas na ako roon. Personal na nila ‘yun, eh.

“Ang masasabi ko lang, pagdating sa trabaho, okey kami ni Angel. Pati ‘yung personal side ng friendship namin, walang problema, at mas maganda na ‘yung ganitong nag-uumpisa kami bilang magkaibigan talaga.”

Nagkahiyaan

Nagkaroon daw ng hiyaan talaga noong unang nagte-taping sila para sa Lobo. Kahit nga aminado si Angel na matindi ang crush niya kay Piolo, maski noong Kapuso star pa lang siya, at nagkakasama lang sila ng aktor sa Timex watch commercial shoots.

“Nag-usap kasi kami talaga ni Angel. Nasabi niya na para naka-focus kami sa trabaho, ‘yung roles lang muna ang intindihin namin. Mahirap kasing ma-involve personally sa katrabaho, baka makasira pa.

“Not for anything else. Hindi naman siguro naipaplano ‘yun. Pero, nag-jibe ang rason namin ni Angel pagdating sa bagay na ‘yun. But, I must admit, ang feeling ko palagi, ang guwapo-guwapo ko ‘pag magkasama kami ni Angel,” napapangiti na lang ang aktor.

About Luis, nabanggit ni Piolo na he’s not taking it against Ate Vi’s son. Wala naman silang relasyon ni Angel para mamersonal siya regarding “the exclusively dating” issue.

“Labas na ako roon, eh. Si Luis ang gustong maka-date ni Angel, kaya wala akong puwedeng i-comment doon. Wala rin kasi akong sinasabi kay Angel, kaya it’s just okay. Basta kami ni Angel, nagkakaintindihan kami,” nasambit na lang ng poging binata.

Piolo and Sam vs Lolit Solis

Habang isinusulat namin ito’y nasa korte pa rin ang tungkol sa kasong isinampa nina Piolo at Sam Milby laban kay Lolit Solis. Ang kasong libelong ito ay suportado ng kanya-kanyang kampo.

“Very thankful ako sa mga nag-testify para sa akin, like Rica Peralejo. Naaawa nga ako sa kanya dahil binibira pa siya dahil lang doon. Nagsasabi lang naman siya ng totoo.

“Sina Pokwang at Angel din, ni hindi ko sila pinakiusapan para gawin ang pagdepensa sa akin. Pero, sila ang nakakaalam kasi na wala ako talaga sa lugar na isinulat ni Lolit, alam nila ‘yun, at ang totoo lang ang pino-point out nila,” pahayag pa ni Piolo.

Nagpasalamat si Piolo nang personal sa mga ito, lalo na kay Angel, na hindi naman kailangang makihalo pa sa gulo.

“Basta, ang sabi ni Angel sa akin, ‘Don’t mention it. I’m just telling the truth.’ Magkasama kasi kami ni Angel sa pictorial ng Timex at marami ang makapagpapatunay na during that time na sinasabi ni Lolit na nasa Hotel Sofitel kami, nagpi-pictorial kami in a different venue at magkasama kami ni Angel, kaya may karapatan siyang mag-testify,” nasabi na lang ni Piolo.

Mukhang nag-cease down na ang impact ng kasong ito, pero hintayin na lang ang kahihinatnan. Ang point lang kasi ni Piolo, ‘yung mag-retract lang si Manay Lolit sa sinulat niya, puwede nilang iurong ni Sam ang demanda.

“Sabihin lang niya na hindi totoo ang isinulat niya, na kami ang nakita niya, kung ano ang nasabi namin na iuurong ang demanda, gagawin namin.

“Pero, hindi rin kasi klaro ang mga sinasabi niya, kaya mas mabuting sa husgado na lang pag-usapan ang tungkol sa bagay na ‘yan.

“Sino ba ang gustong magpakulong ng tao? Kaya lang, mas magandang i-settle ‘yan sa korte, at hindi ‘yung walang alam ang legal counsel namin sa moves na gagawin namin.

“Kaya palagay ko, wala kaming magagawa ni Sam kung hindi ituloy ang demanda,” nabanggit na lang ng binata.

Dalawang callboy?

Ang sinabi pa nga ni Manay Lolit, hindi raw sina Sam at Piolo ‘yun kung hindi dalawang call boy lang.

“Malabo kasi ‘yung mga salitang ganyan. Mahirap patulan. Hindi ko rin alam kung ano ang ibig sabihin. What we have been asking is a formal retraction. No more, no less,” diin na lang ng aktor.

Dahil sa matinding gay issues, napilitan si Piolo na payagang lumayo ang anak niyang si Iñigo sa Pilipinas. Nasa Amerika raw ito kapiling ang ina ng bata.

“Eleven years old na ang anak ko, at alam na niya ‘yung mga nangyayari,” nasabi na lang ni Piolo. “Minsan nga, nasabi niya sa akin, stop ko na raw ‘yung mga ganyan, mga dema-demanda.

“Naaapektuhan na rin ‘yung bata, pero siyempre, alam niya ang totoo. Naguguluhan din lang siya kung bakit ginagawa sa akin ang ganoong mga bagay.”

Sa kabila ng ganyang pangyayari, masaya si Piolo sa katotohanang hindi pa siya nakaranas na harap-harapang tarayan ng sinumang reporter.

“Maganda naman ang ipinapakisama ko sa kanila. I just have to thank them for understanding.

“’Yun ang nagpapatapang sa akin. Despite nasty rumors, a lot of movie reporters still side with me, o kung hindi man, iniintindi nila ang situwasyon ko,” nasabi na lang ni Piolo.

 
 
BY ARCHIE DE CALMA
 
l  About us  l  Gallery  l  Contact us  l  Links  l  Archive  l  Be a Publisher  l  Advertise  l  Classified  l
Copyright 2006. All Rights Reserved