WALA pang maaasahang kasalan kina Toni
Gonzaga and Direk Paul Soriano sa 2008 or until 2010
dahil ayon sa TV host-actress-singer, seven years from
now pa niya balak mag-asawa.
Ganu’n? Makakapaghintay naman kaya si Direk Paul
nang ganu’n katagal?
“Kung makakapaghintay siya, ‘de good. If not,
sorry for me (laughs),” sagot ng TV host-actress
na kasama sa Book 2 ng Maging Sino Ka Man.
Kahit super-busy si Toni ngayon dahil sa kabi-kabila
niyang trabaho, naiintindihan naman daw ‘yun
ni Direk Paul at hindi nila pinag-aawayan kung bihira
man silang magkita at magkasama.
Marami pa raw kasing gustong gawin at marating si Toni
sa kanyang showbiz career kaya hindi ang pag-aasawa
ang kanyang priority. Although, hindi naman daw siya
nag-i-expect ng acting awards sa bawat proyektong kanyang
ginagawa tulad dito sa Maging Sino Ka Man. |
ISANG malaking tinik ang nabunot sa
dibdib ni Sen. Bong Revilla Jr. matapos ang anim na
taon ding hindi nila pag-uusap at pagbabatian ni dating
Pangulong Joseph Estrada.
Matatandaang nagsimula ang alitan sa pagitan ng pamilya
Estrada at ni Bong nang tumalikod ang aktor-pulitiko
sa kanyang ninong at suportahan si Pangulong GMA noong
EDSA 2.
Pero ngayon, all’s well that ends well na sa
pagitan nila, na naganap sa nakaraang kaarawan ng
misis ni Sen. Jinggoy Estrada na si Precy Ejercito.
Si Sen. Bong na nga raw ang lumapit kay Erap nang
paalis na ito sa okasyon at doon ay nag-sorry siya
at niyakap
ang dating Pangulo. Isang tapik lang umano ang naging
kasagutan ni Erap sabay sabing, “Wala ‘yun.
Kumusta mo ako sa daddy mo.”
“
Dun lalong tumaas ang tingin ko sa kanya. Sabi ko,
ibang klase ‘to, napakabait na tao.”
At dahil sa “one more chance” na ibinigay
ng pamilya Estrada kay Sen. Bong at muling pagtanggap
dito bilang kapamilya, nakapagbitaw ang senador ng
pangakong hinding-hindi niya babanggain si Sen. Jinggoy
kung saka-sakaling gustuhin nitong tumakbo sa vice-presidential
position.
Ngayon pa lang kasi, maingay nang bulung-bulungan ang
pagtakbo umano ni Sen. Bong sa nasabing posisyon at
baka magkabanggan pa raw sila ng kaibigang si Sen.
Jinggoy.
“
Actually, hindi ko naman inambisyon ‘yan. Pero
kung tatakbo si Sen. Jinggoy, ‘di ako lalaban.”
Ganu’n? Si Sen. Jinggoy lang ang iniilagan
niya? E, paano kung tumakbo rin si Governor Vilma
Santos
na ngayon pa lang ay isinusulong na rin ng ilang
grupo sa pulitika?
“ Wala pa siya, nakapagbitiw na ako ng salita kay Sen.
Jinggoy. I think we (Vilma and Bong) belong to the
same party so that would never happen.”
So, handa siyang ipagparaya ang kanyang political career
in the name of friendship?
“
Hindi naman kasi ako nag-aambisyon ng ganu’n
kataas, e. Dito lang ako sa Senado, masaya na ako.
Pero kung dumating ‘yun, okey lang, but of course,
ayoko lang na magkasugatan uli ang pagkakaibigan namin,” sinserong
sabi ni Sen. Bong.
So, malinaw na walang mangyayaring banggaan kina Sens.
Bong at Jinggoy sa 2010! |