NAGDARAAN
ang mga araw para kay Ruffa Gutierrez na hindi na
niya alintana kung makakaramdam ba siya ng lungkot
dahil sa hindi magandang kinahinatnan ng kanyang marriage
sa Turkish na si Yilmaz Bektas. Nakabuti nga raw talaga
‘yung pagpapaka-busy niya.
“It
has become my therapy,” says Ruffa, in an exclusive
interview. “Everything in my marriage has gone
so complicated. Nakakalungkot. Wala namang reason
to be happy about it, but life has to go on.”
“It
has become my therapy,” says Ruffa, in an
exclusive interview. “Everything in my marriage
has gone so complicated. Nakakalungkot. Wala namang
reason to be happy about it, but life has to go
on.”
Ang
mahalaga kay Ruffa, nasa kanya ang mga anak niytang
sina Lorin at Venice. May communication pa rin sila
ni Yilmaz, pero hindi na katulad ng dati.
“Tumatawag
pa rin siya, to check on the kids,” says Ruffa.
“Pero, hanggang doon na lang. Wala na ‘yung
mga kuwento tungkol sa aming dalawa. I guess, wala
na talaga.
“Magulo.
Ayoko na lang isipin,” napapailing na sabi
pa ng dating beauty queen.
For
the past weeks, medyo naging tahimik ang buhay ni
Ruffa dahil naging subsob siya sa trabaho. May regular
hosting job siya sa The Buzz, at patapos na, as
we’re writing this, ang ABS-CBN fantasy series
na Kokey.
“They
want a Book 2 for Kokey, pero mukhang malabo na
ma-extend na. Third extension na bale kung magpapatuloy
kami, Direk Wenn Deramas will soon be starting a
new fantaserye, so with my other co-stars.
“Hindi
ko pa alam kung ano ang magiging next assignment
ko. I have a guaranteed contract, that’s why,
for sure, in a year before my contract expires,
bibigyan nila ako ng bagong trabaho,” sambit
pa ni Ruffing.
Sobrang
nag-e-enjoy si Ruffa sa Kokey at nalulungkot nga
siya sa sinasabing pagwawakas nito.
“We
have been receiving feedback, sana raw, huwag agad
tapusin ang series,” sabi pa ni Ruffa.
“It’s so malakas, lalo na sa kids. Sila
‘yung mga umiiyak, like Lorin and Venice.
Nag-e-enjoy silang pinapanood ako because of Kokey.
Nakaka-sympathize sila kay Kokey.
“And even his mom, si Kakay, nakaka-relate
ang mga bata,” natatawang sambit pa ni Ruffa.
Reconciliation
in question
Nasabi
rin ni Ruffa na pati ang mommy niyang si Annabelle
Rama ay panatag na ang kalooban.
“Eh,
‘yan naman ang gusto niya, ‘di ba? ‘Yung
hiwalayan ko na nang tuluyan si Yilmaz. Pero, hindi
naging madali sa akin ang ganoon. Hanggang ngayon
nga, hindi ko basta matanggap.
“Siyempre,
ang gusto ko, buo ang family ko. Pero, alam ng mga
tao how I suffered. Yeah, totoo naman ‘yung
mga sinabi ko, at hindi gimmick lang ‘yun.
Bakit ko naman gagawin ‘yun?
“Ayoko
nga ‘yung napapahiwalay ako kay Yilmaz, especially
the kids. Mahal na mahal nila ang dad nila. Pero,
may mga bagay na nangyayari na dapat i-settle. Kung
hindi maayos, mas mabuting maghiwalay na muna,”
sabi pa ni Ruffa.
So,
kung gugustuhin talaga niya, puwedeng mag-reconcile?
“I
can’t answer definitely,” sagot ni Ruffing.
“Hindi natin alam ang mangyayari. Sino ba
ang magsasabing sa hiwalayan din ang bagsak namin
ni Yilmaz. For a time, maganda talaga ang pagsasama
namin.
“Kaya
lang, mabuti na ‘Yung ganito dahil baka lalong
maging magulo, at baka kung ano pa ang mangyari.
I am after the security of my kids, too. I don’t
want them to live in a world filled with violence.
“Kasi,
pinalaki ako ng parents ko na punumpuno ng love,”
sambit na lang ni Ruffa.
Happy
where she is
Sa
ngayon, happy siya sa kontrata niya sa ABS-CBN.
May balak ba siyang bumalik uli sa GMA?
“I
was never under exclusive contract with GMA-7, pero
rito sa Dos, mayroon talagang exclusive deal,”
sambit pa ni Ruffa. “Si Mommy ang manager
ko, pero maganda ang relasyon namin with GMA-7.
“Remember,
my brothers (Richard and Raymond) are there. Maganda
ang nangyayari sa career nila. Sikat na sikat nga
si Richard, at nababagay talaga siya sa GMA-7.
“For
the meantime, habang may contract ako sa ABS-CBN,
dito na muna ako,” pahayag pa ni Ruffa.
Hindi kaya lumipat din si Richard sa Dos, gaya sa
ginawa ni Angel Locsin?
“I’m
very sure, Richard won’t do that,” pahayag
pa ni Ruffa. “Walang dahilan para layasin
niya ang GMA-7. Maganda ang career niya. He doesn’t
have to ask for more. Ilang years na ba na hindi
siya nawawalan ng show sa GMA-7 at siya palagi ang
bida?
“Hindi
naman siya laos para lumipat, ‘di ba? Si Raymond
din, maganda ang work niya as a host. Marami siyang
ginagawa sa GMA-7, kaya maging Kapuso na lang sila,
at ako na lang muna ang maging Kapamilya, para masaya
ang lahat,” pagwawakas pa ni Ruffa.