|
| |
Vic,
walang paki kahit magbuyangyang si Pia |
| |
Bibig
naka-zipper na… |
| |
|
| |
HINDI
raw apektado at dedma lang talaga si Pia Guanio sa
mga puna ng iba na super sexy and daring na ang kanyang
mga isinusuot lately.
“‘Di ako mapipikon kasi lahat naman tayo,
entitled to our own opinion about other people’s
lives. Respetuhan na lang.”
Tinanong din namin sa TV host kung ‘di ba nagseselos
ang kanyang loves na si Vic Sotto sa mga super sexy
niyang outfit?
“I don’t give him reason to get jealous.
That doesn’t mean he’s not seloso, it
means I don’t give him reason to get jealous.”
Okey lang ba kay Bossing ang mga attire niyang sexy?
“Oo naman, he appreciates it.”
Never din daw siyang pinuna ng boyfriend tungkol dito.
About their wedding, wala pa rin daw plano hanggang
ngayon tungkol dito dahil since nasa tamang pag-iisip
na sila, ayaw nilang pumasok sa isang bagay na biglaan
at ‘di sila sigurado. Mas mabuti na raw ‘yung
handang-handa talaga sila.
So, kung soon or the next years to come pa ang kanilang
wedding, wait na lang daw tayo.?
Direk
Lino, na-trauma sa kanila ni KC
IT
seems malaking impact at trauma ang nagawa kay Direk
Lino Cayetano ng mga negative write-ups at controversies
na nasulat at lumabas about him and KC Concepcion.
Kunsabagay, kahit noon pa man ay ‘di na comfortable
si Direk Lino to talk about his personal life, pero
mukhang nagdoble ingat na ito ngayon at pinag-iisipang
mabuti ang bawat salitang sasabihin.
Si Direk Lino na rin mismo ang umiiwas at nagsasabing
ayaw niyang magsalita ng anything about KC. In fact,
kapag nakakakita na ito ng microphone, cameras and
recorders from media people, nanginginig na raw siya
at kinakabahan dahil baka kung ano na naman ang masabi
niya, e, hindi siya sanay sa intriga.
But we admire this guy ‘coz as possibly as he
can, pinagbibigyan din naman niya ang mga reporters.
‘Yun nga lang, ‘pag nakakahalata na itong
iniintriga, medyo iwas na.
Hahaha! Paano pa kaya kung sila na talaga ni KC at
lumantad na, ‘di kaya mas maloka si Lino sa
mga tanong ng press??
Humanda
na raw…
Angelika, reresbakan ni Mayor Malonzo, baho pasasabugin |
| |
|
| |
LUMAKI
na ang gulo at lumawak na ang palitan ng maaanghang
na salita sa pagitan nina Angelika dela Cruz at dating
Caloocan Mayor Rey Malonzo na nag-ugat sa isyung pinaputok
ng huli na tipong inaakusahan nitong kabit ni incumbent
Caloocan Mayor Enrico Echiverri ang mestisang aktres.
Galit na galit si Angelika sa isang panayam, to the
point na sinabihan niyang tatanga-tanga at makapal
ang mukha ni ex-Mayor Malonzo. Pero nang hingin ang
reaksiyon ng dating aktor-pulitiko, ayon dito ay ayaw
muna niyang pag-usapan ang isyu sa aktres at hintayin
munang matapos ang eleksyon.
Kaya bilang spokesperson at campaign manager, si Cristina
Decena (ex-girlfriend ni Phillip Salvador) na malapit
na kaibigan-business partner ni Malonzo ang sumagot
sa isyu. At ayon dito, marahil ay nagpapapansin lang
si Angelika dahil may bago itong programa sa TV kaya
muling binuhay ang isyu sa kanila ni Mayor Malonzo.
Katwiran naman ni Cristina, siya ang sumasagot in
behalf of Mayor Rey dahil pangit sa isang lalaki lalo
na’t kumakandidato ito ngayon na magsalita laban
sa isang babae.
Pero nagbitaw ng pahayag si Mayor Rey na pagkatapos
ng eleksiyon, muli niyang haharapin ang usapin sa
kanila ni Angelika.
Well, let’s see kung totoong marami pa siyang
pasasabuging baho ng aktres tulad ng sinasabi niya.
?
Jolo, umaming sa theater room
ng bahay pinatutulog ang anak
AYAW
maniwala ni Jolo Revilla sa isyung dinadala ni Rosanna
Roces ang anak nila ni Grace sa karerahan sa kabila
ng murang edad nito. Ayon kay Jolo, siguro naman daw
ay ‘di mapapahamak ang bata sa piling ng ina
at lola nito at sana nga lang daw ay maging magandang
impluwensiya ang pamilya ni Grace sa kanyang anak.
May sari-sarili na ngayong buhay sina Jolo at Grace
at ayon sa anak nina Sen. Bong Revilla, Jr. at Lani
Mercado, mas madalas niya na raw nakakasama ngayon
ang anak na si Gab dahil mas maganda na at bumalik
na sa dati ang samahan nila ni Grace, though hindi
na nga nadugtungan ang kanilang relasyon.
Sa isyu namang sa theater room ng bahay pinatutulog
ng pamilya Revilla, particularly Lani and Bong, ang
kanilang apong si Gab, sabi ni Jolo, “Mas maganda
pa nga sa kuwarto ko ‘yung theater room. Malaki
‘yun, e. Saka kasama kasi niya ru’n ‘yung
mga yaya.”
Sa ngayon ay ipinagpatuloy ni Jolo ang kanyang pag-aaral
sa San Beda at tulad ng ama, balak din pala nitong
pasukin ang pulitika.
So, like father, like son talaga, ‘di ba naman. |
| |
| |
| |
| |
|
|