| |
Ang
Cute ng Ina Mo |
| |
Ai
Ai delas Alas plays mom to Anne Curtis who she abandoned
20 years earlier and whose love she now tries to
win back. |
| |
|
| |
NAAALALA
n’yo ba si Val na walang malay? Eh si Junjun?
Si Junjun? Lagi na lang si Junjun!
Well, malamang maalala ninyo
kung isa kayo sa libu-libong
Vilmanians. At mapapanood ninyo
ulit ang lahat ng ito, pero
this time with Ate Vi’s
hunky firstborn Luis Manzano
delivering the lines. |
| |
|
| |
Yes,
ito ang pinaka-cute na pakulo ng pinakabagong offering
ng joint venture ng Star Cinema at Viva Films, Ang
Cute ng Ina Mo. Pinagbibidahan ng Queen of Comedy
na si Ai Ai delas Alas, tungkol pa rin ito sa pagiging
isang mabuting ina gaya ng super hit comedy flick
ni Ai Ai na Ang Tanging Ina. Kasama niya sa Ang Cute
ng Ina Mo ang tambalan nina Anne Curtis at Luis Manzano,
at ang hilarious supporting cast na sina Eugene Domingo
at John Lapus. |
| |
|
| |
Ang
Cute ng Ina Mo ay tungkol sa journey ng mag-ina,
sina Georgia (Ai Ai delas Alas) at Christine (Anne
Curtis), para ma-bridge ang 20-year gap na naiwan
sa kanila ng panahon nang abandonahin ni Georgia
ang anak. Gusto sana ni Christine na hanapan ng faults
ang kanyang ina dahil hindi niya ma-gets kung bakit
gusto ulit ito pakasalan ng kanyang ama. Sa paghahanap
niya ng faults, nakilala niya si Val (Luis Manzano)
na anak-anakan ni Georgia at sa pamamagitan ni Val
makikita ni Christine kung gaano kabuting ina si
Georgia. |
| |
|
| |
Syempre
hindi papahuli sa eksena si Eugene Domingo na gumaganap
na yaya ni Anne, si Nanny Ninonu, na mai-inlove naman
sa bading na bading na si Junjun (John Lapus). |
| |
|
| |
Riot
ang mga eksena at siguradong mage-enjoy ang mga Vilmanians
dahil marami sa memorable scenes ni Ate Vi sa pelikula
ang na-spoof dito.
Si Wenn Deramas ang nag-direct nito, galing sa kuwento ni Mel del Rosario na
sinulat din niya at ni Arlene Tamayo. |
| |
| |
| |
| |