|
| |
SMALL
TALK |
| |
|
| |
Kissing
photo ni Antoinette at Bianca kumalat sa net
Nagpiyesta na naman ang sangkatauhan sa Internet sa pagkalat ng kissing photo
nina Bianca King at dating teen star na si Antoinette Taus. Nakakaloka dahil
may mga malisyosong inisipan na ng karnal na kuwento ang litratong ito ng dalawang
beautiful gals while smooching.
Dahil dito, nag-appear sa TV itong si Bianca para
sabihing walang malisya ang
photo na iyon at “sisterly kiss” ang ginawa nilang dalawa, kesehodang
nakahawak pa sa mukha ni Toni (nickname ni Antoinette) si Bianca. Nakabalik
na kasi sa U.S. itong si Toni at maaaring hindi na niya ma-clarify pa sa mga
tao
ang photo nila ng kanyang close friend.
Natawa na nga lang daw si Bianca dahil nang una
raw niyang makita ito sa isang blog, agad niyang
tinawagan
si Toni sa U.S. para tanungin kung nilagay ba ni
Toni ang photo nilang iyon—na kuha sa Boracay—sa kanyang Multiply
account, isang friend-meets-friend website. Nang sabihin daw ni Toni na nilagay
nga niya, naloka raw si Bianca.
Chika naman ni Bianca, lumabas siya para linawin ang photo dahil ayaw raw niyang
maka-offend ng mga tao at ayaw niyang mabigyan iyon ng iba pang kahulugan.
O sige na, Bianca. Naniniwala na kaming friends lang kayo. |
| |
|
| |
La
Greta at Claudine bati na sa wakas
After three years ng hindi pag-uusap, nagtagpo
na rin ng landas sina Gretchen Baretto at kid
sister nitong si Claudine sa S&R Supermarket sa The Fort.
Matagal nang inabangan sa showbizlandia ang pagbabati ng dalawang sistahs, lalo
na’t confused pa rin ang tao kung bakit nga ba sila nagkagalit in the
first place. At siyempre, nang magkita ang dalawa ay wala na silang nagawa
kundi magbati
at mag-hug.
Walang masyadong detalyeng ibinigay sina Gretchen
at Claudine tungkol sa kanilang pagbabati dahil
anila, gusto raw nilang kanila na lang muna ang
bagay na ito.
Happy naman ang isa pa nilang sister na si Marjorie, na tatlong taon na ring
ka-“galit” ni La Greta.
Ang hubby ni Marjorie na si Dennis Padilla ang
itinuturong dahilan kung bakit nagkagalit-galit
ang Baretto sisters. Nagkasagutan umano ito at
si Gretchen tungkol
sa hosting job na ibinigay ng ABC-5, na pag-aari ng partner ni Gretchen na
si Tony Boy Cojuangco—kay Willie Revillame,
na sinasabing kainisan ni Dennis. After ng sagutan,
nag-move out pa sina Dennis at Marjorie sa tinutuluyan
nilang
bahay sa Loyola Grand Villas na pag-aari ni La Greta.
Super deny naman si Dennis na may kinalaman si Willie pero hindi niya itinangging
may tampuhan ngang naganap. Pero okay na rin daw siya ngayon at natuwa rin siya
at nagkaroon na ng chance magkita sina Claudine at Gretchen.
Inaabangan naman ng lahat ngayon kung kelan magkikita
sina Marjorie at La Greta. Kung matatandaan, itong
dalawang ito ang super close sa lahat ng Baretto
sisters
kaya’t marami ang nalungkot, specially their parents, nang bigla na lamang
silang hind imaging on speaking terms. |
| |
|
| |
Borgy,
lagi na lang napapaaway dahil sa GF
May tatlong beses na yatang napabalitang napaaway ang modelong si Borgy Manotoc
dahil sa kanyang model girlfriend na si Ornusa Cadness.
Nitong April 10 lang, ang apo naman ni DSWD Secretary Mita Pardo de Tavera na
si Carlo Pardo de Tavera ang nakabangga ng apo ni Macoy na anak din ng controversial
na si Cong. Imee Marcos (ay teka, parang hindi balanced ang powers!) dahil kinausap
ng una si Ornusa Cadness. Super suntukan ang naganap between Borgy, Carlo at
iba pa nilang kasamahan. Pero afterwards, sa Makati Medical Center pinulot itong
si Carlo na kinailangang i-bandage ang ulo.
Nag-sorry naman si Borgy sa insidente, lalo na’t
may pagbabanta ang nanay ni Carlo na idedemanda
ang Borgy, kesehodang Marcos ito. Gusto lang daw
niya
na bilang isang ina ay maturuan ng leksyon ang isa pang bata.
May pressure din sa public image ni Borgy na magtino-tino dahil ngayong taon
lang na ito ay strike three na sya sa pakikipag-away sa Embassy Bar. Una niyang
inaway ang singer na si RJ dahil kinausap nito umano si Ornusa. Next naman ay
si Bong Alvarez na kinausap din si Ornusa dahil napagkamalan niyang waitress.
Kaya a word of advice Borgy: Kung hindi kayang kontrolin ang temper, humanap
ka na lang ng hindi masyadong stunning na girlfriend! |
| |
|
| |
Rudy
Fernandez pinapatay sa text messages
Nakakatawang nakakainis ang pagkalat ng text messages na nagsasabing pumanaw
na raw si Rudy Fernandez, a.k.a. Daboy. Kahit inamin na nitong may ampullary
cancer siya at medyo malala ang sakit, nakakabigla pa rin (Oo, nakakabigla as
in parang nung namatay si Rico Yan!) ang pagtatanong ng ibang tao kung patay
na nga ba si Daboy tulad ng kumakalat sa text messages.
Siyempre, ang wife nitong si Lorna Tolentino ang pinutakti ng press sa pagtatanong
at sinabi nitong Holy Week pa lang daw ay marami nang nagtatanong sa kanya tungkol
dito dahil nga nabalitaan sa text messages. Siyempre inis si Lorna dahil buhay
pa ang asawa niya ay pinapatay na.
Apektado rin ng balitang ito maging ang best friends
niyang sina Philip Salvador at Sen. Bong Revilla.
Sabi ng dalawa niyang kumpare, sa tingin nila’y
lalong hahaba ang buhay ni Daboy dahil sa tsismis
na ito.
Kung si Daboy naman ang tatanungin, light lang ang pagtanggap niya sa mga text
messages na ito. Ayaw niya itong dibdibin, gaya ng ayaw niyang dibdibin ang kanyang
sakit, dahil nga naman lalong nakasasama ng pakiramdam ang pagmumukmok. Positive
lang ang attitude ni Daboy lagi kapag pinag-uusapan ang sakit at kamatayan. Aniya
pa, okay pa nga itong kumalat na text dahil nalalaman niya kung sino ang mga
taong concern na concern sa kanya. |
| |
| |
| by Mayumi
G. Pangan |
| |
|
|