|
| |
Na-trauma
kay Ryan…
Piolo, ayaw nang pag-usapan si Juday |
| |
|
| |
Piolo
Pascual kapag natatanong tungkol sa dating screen
partner na si Judy Ann Santos, ngayon ay tipong ingat
na ingat at halos ayaw nang pag-usapan ni Piolo ang
aktres. |
| |
|
| |
“Ayoko
nang mada-drag ang pangalan niya sa mga interviews
ko. Ayoko kasing sabihin na namang nanggagamit ako.
Basta kami, alam namin ni Juday na okey kami at malaki
ang respeto namin sa isa’t isa,” pahayag
ni Piolo na si Claudine Barretto na ang katambal
sa bagong teleserye ng ABS-CBN na Walang Kapalit,
pagkatapos ng Sa Piling Mo nila ni Juday.
“Baka masabihan na naman akong I’ll put you on your place. Hehehehe!” natatawa
pang dagdag ng guwapo at ma-appeal na aktor.
Hanggang ngayon kasi, hindi pa rin pormal na nagkakaayos si Piolo at si Ryan
Agoncillo na boyfriend ni Juday. Matatandaang naglabas noon ng statement si Ryan
kung saan tipong sinasabi nito na dapat ay alam ni Piolo kung anong papel niya
sa buhay ni Juday lalo ngayong may karelasyon na ito.
Kaya para sa mga fans na nagtatanong kung muli pang maibabalik ang tambalang
Juday-Piolo, dapat siguro ay si Ryan ang sumagot niyan.
Korek? |
| |
Feel
mo, Raymart?
“Rico” for Claudine’s baby |
| |
|
| |
MAS
maganda at blooming ngayon si Claudine Barretto na
six months preggy na sa April 1. Maaliwalas ang mukha
ng magaling na aktres nang humarap sa mga press people
sa presscon ng Walang Kapalit, kaya ang hula ng lahat,
babae ang kanyang isisilang.
Pero ayon kay Claudine, wala
pa raw silang naiisip na pangalan
kung babae ang magiging anak
nila ni Raymart Santiago. Nang
magpa-ultrasound kasi sila
kamakailan,
sabi ng doctor ay posibleng lalaki ang baby niya dahil may nakitang “nakalawit,” although
posible rin namang umbilical cord lang ‘yun.
Kung lalaki nga, Rodrigo ang
name na naisip nila ni Raymart.
Kailangan daw ay starts with
the letter R dahil ang Santiago
brothers ay puro sa “R” nagsisimula
ang name.
Tanong tuloy namin, “Bakit ‘di Rico?” na
sinagot naman ni Clau-Clau
ng kaswal na,
“Meron na sa family nila, e.”
Naku, ha? Mukhang ‘di rin feel ni Raymart ang name na ‘yun
kahit wala pa sa family nila.
May ganu’ng intriga raw, o! |
| |
Bing
at Janno, tabi na uli sa kama |
| |
|
| |
MAAARING
weird para sa iba ang present setup nina Janno
Gibbs at Bing Loyzaga na nagtatabi na uli sa pagtulog
pero ‘di
pa nagkakabalikan. Pero ayon kay Janno, friends
na uli sila ni Bing, although inaayos pa rin nila
ang
naging problema sa kanilang relasyon. |
| |
|
| |
‘Di
naman kaila sa lahat na kung sinu-sinong babae
ang na-link kay Janno na naging dahilan ng “cool-off” nila
ni Bing. At maging ang actor mismo ay aminado namang
meron siyang mga “fling-fling,” pero
wala raw seryosohang relasyon sa mga ‘yun
at ang misis pa rin talaga ang mahal niya at gustong
makasama hanggang sa pagtanda.
Well, mukhang tuluy-tuloy na nga ang pagbabago ni Janno dahil ito na rin mismo
ang nagsabing, “I’m serious getting back with Bing.”
Kelan ba niya na-realize na kailangan niya nang magbago?
“I think I’ve started to realize na magbago na kasi, marami na kaming
pinagdaanang problema, pagsubok, pero nandiyan pa rin siya. Kahit nagkamali na
ako, nandiyan pa rin siya.
“Ang importante, ganu’n pa rin ang feelings ko for her, love ko pa
rin siya, not just for the kids, ‘di rin for convenience lang. Kasi, kung ‘di
ko siya mahal, ‘di ko tatrabahuhin ‘yun,” waring nagsusumamong
sabi ni Janno para muling pagbigyan ng isa pang pagkakataon ng kanyang misis
na aktres.
Hmmm… Janno… mahirap ibalik ang tiwalang nasira na, lalo na sa
pagsasama ng mag-asawa, pero mas mahirap magbitaw ng pangako dahil sarili mong
kahinaan ang kalaban mo diya.
|
| |
| |
| |
| |
|
|