MUNTIK
nang mag-reunion ang dating miyembro ng Eraserheads
sa Power Books sa Makati kung saan ginanap ang book
launch kamakailan ng Tikman ang Langit, isang anthology
ng mga essays na sinulat ng mga fans tungkol sa banda.
Si Buddy Zabala, Raimund Marasigan at Marcus Adoro,
na matagal nang wala sa eksena, ay tumugtog kasama
ng grupong Cambio na pinangungunahan ng bokalistang
si Kris Dancel. Sayang lang at wala si Ely Buendia,
ang kinilalang frontman ng banda.
May doctor’s appointment daw si Ely at hindi makakarating, sabi ni Jing
Garcia, na nag-isip ng konsepto ng libro kasama si Melvin Calimag. Maaalalang
inatake sa puso ang 36 años na si Ely noong Enero at sumailalaim sa
isang heart bypass operation.
Missing in action man si Ely, masaya naman ang
event na dinaluhan ng mahigit-kumulang na 40 fans.
Nagmistulang concert venue ang second floor ng
bookstore, lalo na
ng kinanta ng Cambio ang “Magasin,” isa sa pinakasikat na kanta
ng Eraserheads.
Tumugtog din ang Macrus Highway, ang bagong banda ni Marcus Adoro na nakatira
sa La Union. Surfer dude na kasi ngayon si Marcus kaya pumupirmi siya sa beaches
ng La Union kapag mataas ang alon mula Oktubre hanggang Pebrero. Sinabi niya
sa ONE PHILIPPINES na balak muna niyang pumwesto sa Maynila muna. Kasama niya
ang kanyang asawang si Mica at anak na si Fiona.
Pagkatapos ng mini-concert, nagpapirma ang fans ng libro. Yung iba nga, dala
pa ang sinaunang memorabilia ng Eraserheads tulad ng magazines at CDs para ipa-autograph.
Una nang pinatikim ng ONE PHILIPPINES ang essay
ni Claire Menja na “Walang
Nagbago: My Affair with Marcus Adoro and the Eraserheads.” Nilabas ito
noong isang taon. Ang libro ay inedit ni Ces Rodriguez, dating managing editor
ng Jingle Magazine at ngayon editor-in-chief ng ONE PHILIPPINES. ?
For inquiries, email Visual Print Philippines at book_inquiry@visprint.net..
You can also visit them at www.visprint.net. |