I  Home  I  Entertainment  l  Lifestyle  l  Business  l  Places  l  Music  l  Sports  l  News  l
 
Advertise
Advertise
 
SMALL TALK
‘I am ready!’
Ate Vi go-na-go na sa pagka-Gob
 
 
MATAPOS ang konting family drama sa pagitan ng mga Rectos, hindi na nga aatrasan ng Star for All Seasons at Lipa City Mayor Vilma Santos ang pagtakbo bilang gobernador ng Batangas.

“Now I am accepting the challenge ... I am ready,” ang pang-award na linyang binitawan ng batikang aktress sa harap ng humigit-kumulang 5,000 fans and supporters na nag-gather sa Lipa Cultural Center.

Paglilinaw ni Ate Vi, hindi naman daw siya nag-withdraw sa race kundi nagpaubaya lang sa kanyang brother-in-law na si Ricky Recto. Pero dahil marami ang naniniwala na kaya ni Ate Vi patakbuhin ang buong Batangas—gaya ng magandang record niya ng pagpapatakbo sa Lipa City—napagdesisyunan na rin niyang ituloy ang pagtakbo sa kabila ng sigalot sa pamilya Recto.

Ultra-supportive naman ang kanyang asawang si Sen. Ralph Recto na naniniwala ring si Ate Vi ang dapat maging gobernador ng Batangas. Si Edwin Ermita na anak ni Executive Secretary Eduardo Ermita ang running-mate ni Ate Vi at sila na rin ang official candidate ng Lakas sa Batangas.

Samantala, pissed off naman ang incumbent Batangas governor na si Arman Sanchez, na under sa partidong Kampi, dahil sa media attention na nakuha ng pagtakbo ng makakalaban niyang si Ate Vi. Aniya, hindi raw magandang senyales ng isang magiging leader ang hindi makapag-decide kung tatakbo o hindi.

Pero naku, dapat yatang mag-ingat si Gob. Sanchez sa pagbibitiw ng salita laban kay Ate Vi dahil baka magalit ang mga Vilmanians sa kanya at hindi na siya iboto.
 
Naalala ba ninyo si Danita Paner?
 
 
KUNG fan kayo ng Triplets—Manilyn Reynes, Sheryl Cruz, at Tina Paner—ay malamang maaalala ninyo si Danita Paner, ang younger sis ni Tina na dati’y laging karay-karay ng nanay ni Tina na si Daisy Romualdez.

Aba, aba, aba! Dahil gone-are-the-days na ang drama ng Triplets, heto’t gumagawa na ng sariling pangalan itong si Danita Paner bilang new rock artist ng Viva Records. Ang debut single nitong “Lunod” galing sa album nitong Promotor eh medyo napadalas na rin ang pag-play sa radio.

Unlike ibang babaeng rock artist gaya nina Kitchie Nadal at Barbie Almalbis, at maging ng baguhang si Yeng Constantino, hindi si Danita ang nagko-compose ng kanyang mga songs. Pero sey mo, mga miyembro ng mga sikat na banda pala gaya ng 6 Cyclemind, Mayonnaise, Rivermaya, at Sandwich ang nag-compose ng kanyang mga songs kaya naman pumatok na rin sa pandinig ng rockers.

Pero teka, hindi kaya makasira sa rock star image ni Danita ang pakikipag-hang out niya sa kanyang Mommy Daisy Romualdez? Kasi, hindi ba, hindi uso sa rock stars ang binabantayan pa ng nanay sa mga gimik?

Naku, baka ayaw ni Ate Tina ng ganyan at may ma-relive siyang memories.
 
Rufa Mae halatang hindi comfy i-kiss si Erik Santos
 
 

NAGING presenter sa nagdaang Myx Music Awards ang sexy star na si Rufa Mae Quinto at dahil nanalo rin ang kanyang “boyfriend” na si Erik Santos, napagdiskitahan ng mga taong tuksuhin ang dalawa para mag-kiss.

Game naman sana silang dalawa, lalo na’t laging dine-dedicate ni Erik kay Rufa Mae ang kanyang pagkapanalo. Pero bago i-kiss ni Rufa Mae si Erik, halatang medyo kung maide-delay niya ang pagki-kiss nila sa lips eh gagawin niya. Halos iatras ni Rufa Mae ang mukha nang malapit na silang maghalikan ni Erik. Pero siyempre, dahil mapanukso ang crowd, wala na rin silang nagawa kundi mag-give in.

If you guys still remember, hindi ba’t laging naiintriga na hindi naman totoong mag-jowa ang dalawa dahil sa pangunguwestiyon sa pagkalalaki ni Erik. Si Boy Abunda kasi ang kapwa managers ng dalawa kaya ang hinala ng ilan, front lamang ni Erik si Rufa Mae para lang mawala na ang “gay issues” dito.

Pero siyempre, patuloy pa rin ang pag-insist ng both camps na totoong may special na pagtitinginan ang dalawa at kung meron mang bading sa kanila ay si Rufa Mae ito at hindi si Erik.

 
 
 
 
l  About us  l  Gallery  l  Contact us  l  Links  l  Archive  l  Be a Publisher  l  Advertise  l  Classified  l
Copyright 2006. All Rights Reserved