I  Home  I  Entertainment  l  Lifestyle  l  Business  l  Places  l  Music  l  Sports  l  News  l
 
Advertise
Advertise
 
Dawn rises again
 
 
KITANG-KITA kay Dawn Zulueta ang ligayang taglay ng isang kuntentong maybahay. Kung tutuusin, nag-e-enjoy si Dawn sa simpleng pamumuhay sa Davao, sa tahimik na kapaligiran ng Pearl Farm, na alternatibong napapagbalingan ng aktres na dulot ng sobrang stress ng city life.

"It can be boring sometimes," sabi pa ni Dawn. "Lalo na kung nami-miss mo na 'yung friends mo sa Manila, for a time, hahanap-hanapin mo pa rin. Naiintindihan 'yun ng mister ko (Anton Lagdameo). That's why when my husband felt that our son (Jacobo) is old enough to be taken back and forth, he gave me permission to work in Manila."

Sey pa ng glamorosang aktres, "As you can see, I don't work 24 hours a day, seven days a week. I still have more time to spend with my family in Davao, than to stay longer in Manila for commitments."

Visible si Dawn dahil sa kanyang endorsements. Bumiyahe lang kayo sa kahabaan ng EDSA, naglalakihang billboards na nagtatampok sa mukha at pigura ng aktres ang makikita.

"I'm so glad, hindi pa rin ako nakakalimutan ng mga tao. And the younger ones, during the time na nawala ako sa eksena, they are beginning to get curious. Marami sa kanila ang nagtatanong sa akin, from their elders who are still familiar with me," aniya.

Endorsements on health, beauty and fitness for Marie-France, Myra E, Pantene and Johnson's baby lotion. There's even a line of clothing for Meg. Kaya madalas lumuwas sa Maynila si Dawn just for promo and personal appearances na may kaugnayan sa mga ini-endorse niya.  

"Nakatulong talaga ang pagkakaroon ng tahimik na lovelife, maayos na pamilya, paglayo muna sa showbiz, para ma-maintain 'yung ganda ng image. "But, of course, I'm not perfect. But, I try my best to maintain this kind of life, gaano man kasimple. And to tell you the truth, mas masaya ako ng ganito.

"Nagtatrabaho lang ako for my spare time. Kasi, gusto naman ng husband ko na hindi lang ako maging pambahay. I have to practice my skills, 'yung ability ko as an actress, because Anton knows that this has become my life already. Love ko pa rin ang business na ito, at dahil din dito, kaya kami pinagtagpo ng panahon," nangingiting sabi pa ng aktres.
Intriga

Pero, siyempre, dahil sa impact sa publiko ng pagkakabilang na ngayon ni Dawn sa alta sosyedad, hindi siya pinatatawad ng mga intriga.

"But, I got used to it na rin naman, although, that doesn't mean I have to like it," patuloy niya.

"Actually, wala akong ginagawa to counteract. As in, I just have to keep quiet. Less talks, less worries," dugtong niya.

Ito ang paraang ginamit niya sa kontrobersyang kinasangkutan niya with Gretchen Barretto. Aminado si Dawn na nasira na ang friendship nila.

"I have always refrained from answering back, dahil sooner or later, we will still be bumping into each other. It will be uncomfortable, but I just want to be civil. Gretchen has her own mind, her own drama, so to speak. That's what she wants, so give it to her. But, like I said, it may take two to tango, but I don't tango."

Dagdag pa niya, "Marami kasing dapat pagkaabalahan. You know, when I'm in Davao, I lead a domestic life. Alas otso pa lang ng gabi, tulog na ako. Maaga akong gumigising, nakikipaglaro sa anak ko, inaasikaso ang husband ko, who has always busy days ahead of him. Marami siyang inaasikasong negosyo.

"Kaya hindi ko na rin napansin na, ay, wala na pala! Tumigil na rin?" at saka na lang natawa ang aktres.
Ako, legal wife

Ipinagmamalaki raw ni Dawn ang pagiging legitimate wife. Pinakasalan siya ni Anton, kaya kung magmalaki man siya sa kayamanang taglay ng pamilya nila, may karapatan siya, because she's the legal wife.

"But, that's not the point, Archie. Over petty things like this, your decency lies on the fact that you just have to face all odds with dignity. For as long as wala naman kong tinatapakang tao, nakakatulog ako nang mahimbing sa gabi, malinis ang konsiyensya ko, wala akong pakialam," sabi pa ni Dawn.

"Senseless ang magtaray, magmalaki over material things. Hindi ako ganyan kababaw. Nagkataon lang na may sinasabi ang mister ko, maganda ang aming pamilya, and we just want to keep it that way. Hindi ko kailangang ipagmalaki kung ano ang mayroon ako, at kuntento na rin ako sa kung ano ang wala sa akin," pahayag pa ng sensible actress.

Maski sa pananamit, may class ang dating ni Dawn, pero hindi siya 'yung tipong alipin ng signature brands.

"For my clothing, I love Meg. Hindi dahil sa ito 'yung ini-endorse ko, but for one thing, gusto ko talaga ang mga damit nila dahil mura lang, pero matibay at maganda ang designs."

Dahil fan na si Dawn, nilapitan siya ni Morris at Carmela Tuason para gawing celebrity endorser ng lanel. “What started out as a ‘longshot’ to getting an endorser of such caliber and impeccable reputation turned out to be the beginning of a new phase in Meg’s journey,” anila. “Dawn was a unanimous choice and there was no one else on our list.”

Maliban sa Meg, amin din ni Dawn, "Naku, addict ako ng sale sa mga department store! Masaya ako kapag may wise buys na 30 or 40 percent. Grabe! Sa Davao, may isang department store doon na parang presyong-Divisoria o Baclaran ang mga itinitinda. Naku, roon ako nagpupunta! Ano naman ang ikahihiya ko? Everybody's into discounts. Kahit mayayaman nga, sila pa ang mahihilig sa discounts. Kasi, lalo na kung hard-earned money rin 'yan, i-maximize mo na ang worth, 'di ba?"

Hindi naman siya kapos sa mga signature items. "I have my YSLs, Guccis, Anne Kleins, but most of the time, ang ginagamit ko naman ay 'yung mga mumurahin lang. Kahit naman binili 'yan sa tiangge o Divisoria, well, kung madadala mo nang maayos 'yan, sino ang mag-aakalang pam-bargain sale ang presyo?" At natawa pa si Dawn.

May offers pa rin kay Dawn, pero nagiging mapili siya. If it's not worth the time, hindi na lang bale.

"Nakaka-guilty kasi na dahil lang sa kikitaing pera, nanakawan na ng oras ang anak ko. Hindi ako mapakali 'pag hindi ko nakikita si Jacobo. It should be a very good assignment for them to get my nod. Pero, magugulat na lang sila sa line-up. Hintayin na lang nila kapag official na, but they will still see me doing TV guestings," nasambit pa ni Dawn.
 
 
by Archie de Calma  
 
l  About us  l  Gallery  l  Contact us  l  Links  l  Archive  l  Be a Publisher  l  Advertise  l  Classified  l
Copyright 2006. All Rights Reserved