I  Home  I  Entertainment  l  Lifestyle  l  Business  l  Places  l  Music  l  Sports  l  News  l
 
Advertise
Advertise
 
Feel na feel pa ang pagiging single…
 
Juday at Ryan, ‘di pa handa sa buhay-may-asawa
 
 
MALINAW ang naging pahayag ni Judy Ann Santos na hindi pa talaga this year mangyayari ang pinakaaabangang kasalan nila ni Ryan Agoncillo.

May ginagawang soap opera ang real-life couple sa Dos, ang Ysabella, may movie si Juday sa GMA Films-Viva Films, ang Ouija Board with Jolina Magdangal, may naka-line-up rin silang gawing pelikula ni Ryan sa Regal Entertainment (wala pang title at story), bukod pa sa gagawing sequel ng Kasal, Kasali, Kasalo this year.

Bukod sa fully-loaded ang schedule nina Juday at Ryan, hindi pa rin financially stable ang dalawa.

Aminado si Juday na hanggang ngayon ay inaayos pa rin niya ang kanyang problema sa BIR, samantalang si Ryan ay nagpapa-renovate ngayon ng bahay para sa kanyang pamilya.

Nagkasundo ang mag-sweetheart na kung lalagay sila sa tahimik ay naayos na ang lahat at settled na sila.

Sa ngayon, marami pa raw gustong gawin sina Juday at Ryan at ini-enjoy pa nila ang kanilang pagiging single.
 
 
Nawala man si Marvin… Pauleen, enjoy naman kay Keempee
 
“DIFFERENCES” ang sinasabing dahilan ni Pauleen Luna kaya nag-decide sila ni Marvin Agustin to call it quits. Pero sa kabila ng pag-amin ng TV host-actress, marami pa rin ang ayaw maniwala at mas gustong isipin na may kinalaman ang pamilya ng dalaga sa kanilang paghihiwalay.

“Ipinaglaban ko si Marvin, pero kinausap ako ng daddy ko. Sabi niya, ‘Hija, I think it’s better if you focus first on your career,’” pag-amin ng dalaga nang mapiga sa kanyang interview. At bilang isang mabuting anak, sinunod naman daw niya ang payo ng ama.

However, ipinagtanggol ni Pauleen si Marvin sa isyung masama ang ugali nito kaya ayaw ng kanyang pamilya.

“He’s a good person. Marami akong natutunan sa kanya, marami rin siyang natutunan sa akin,” at wala raw siyang regrets kung nagkahiwalay man sila dahil naging maayos ang breakup na ‘yun.

Ngayon, Pauleen is moving on at siguro, malaking bagay na rin ang pagiging close “uli” nila ni Keempee de Leon sa Eat Bulaga dahil kahit wala na si Marvin Agustin sa buhay niya, puno ng ngiti pa ring humaharap sa lahat ang anak ni Mommy Chat. ?
 
 
Maipakita lang na labs na labs si mister… Sharon, todo-kayod para kay Sen. Kiko
 
NASA “crucial” stage raw ngayon sina Megastar Sharon Cuneta and Sen. Kiko Pangilinan, financial wise. Tumatakbo kasing independent candidate as senator ang mister ni Mega at hindi biru-biro ang daang milyong pisong kailangan nilang ilabas sa panahon ng pangangampanya.

Kaya naman bilang suporta, si Sharon ang todo-kayod para maka-survive sila ng asawa. Si Sen. Kiko raw kasi ang tipo ng tao na mataas ang pride at hindi mananamantala. In fact, kahit may savings naman sila kung tutuusin dahil kumikita na rin ang kanilang mga anak na sina Frankie at Miel sa kanilang mga TV commercials, ‘di raw nila pinakikialamang mag-asawa ‘yun.

Kaya naman, nag-suggest na lang daw si Shawie sa kanyang mister na kung gusto nito, isanla muna nila ang kanilang mansyon dahil pareho naman silang may trabaho at kikita pa rin sila ng pera para matubos ito, pero ‘di raw pumayag si Sen. Kiko.
So, ‘wag na tayong magtaka kung kaliwa’t kanan ang tanggap ni Mega ng trabaho at raket.?
 
 
Eddie Gutierrez, atras sa pulitika
 
KUNTENTO na ang Elvis Presley ng ‘Pinas na si Eddie Gutierrez sa pag-aartista at never in his entire life na naisip niya raw na gusto niyang pumasok sa pulitika.

“Tama na ‘tong nag-aartista ako. Nag-i-enjoy ako sa pag-aartista. I can look at you straight in the eye,” sey ng ma-appeal pa ring mister ni Tita Annabelle Rama.

Balik-telebisyon nga si Tito Eddie and after his last stint sa Tipitipitim-Tipitom nu’ng 1989, muli siya na-convince na lumabas uli sa isang sitcom via Solar-RPN 9’s 2 Tisoy.

Isang challenge ito sa part ng magaling na aktor na dating ka-love team ni Ms. Susan Roces way back Sampaguita days. It’s a fact, of course na ‘di na sila ‘young and fresh’ ni dating Senator Freddie Webb na bida rin sa sitcom, and yet, kinuha sila para maghatid ng katatawanan sa latest sitcom ng RPN.

Well, ‘ika nga, age doesn’t matter, it’s the performance! Sey n’yo?
 
 
 
 
l  About us  l  Gallery  l  Contact us  l  Links  l  Archive  l  Be a Publisher  l  Advertise  l  Classified  l
Copyright 2006. All Rights Reserved