I  Home  I  Entertainment  l  Lifestyle  l  Business  l  Places  l  Music  l  Sports  l  News  l
 
Advertise
Advertise
 

Babu na kay Bea…
John Lloyd, kay Anne Curtis naman; GF ni John Lloyd, dedma sa love scenes nila ni Bea

 
 

SI John Lloyd Cruz mismo ang nagkuwento na big fan pala ng Maging Sino Ka Man ang kanyang non-showbiz girlfriend na si Liz Uy.

Kaya nang kulitin ng press ang matinee idol kung ‘di ba nagseselos ang kanyang GF sa kanyang ka-love team na si Bea Alonzo lalo’t mas mature at daring na ang kanilang mga love scenes sa said soap opera ng ABS-CBN, nangiti lang si Lloydie sabay sabing ‘di naman apektado si Liz sa mga eksena nila.

Hindi masabi ng magaling na aktor-turned product endorser kung ilang months na ang relasyon nila ni Liz. “We don’t really count, e,” sabi nito.

Going strong and smooth naman daw ang relasyon nila sa kabila ng mga intrigang dumarating. Ayaw na nga lang patulan ni Lloydie ang latest issue na buntis ang kanyang girlfriend.

Sey ni Lloydie, “My career is doing well. Maganda ‘yung ratings ng Maging Sino Ka Man, may movie offers, tapos, I have a new endorsement (Biogesic). Ayoko nang patulan ‘yung mga ganyang tsismis.”

True, maganda ang pasok ng 2007 kay JLC dahil three movies agad ang naka-line-up for him, one with Mayor Vilma Santos, another one is with Angelica Panganiban and ‘yung isa pa is si Sarah Geronimo ang kanyang leading lady.

 
 
Aside from that, balitang may gagawin ding teleserye sina Lloydie and Anne Curtis. So, may bagong love team na aabangan!

Teka, okey lang kaya ito sa John Lloyd-Bea fans? Let’s see…
 
Di raw tibo, e, ano ‘to?
Yeng, mas komportableng kilos-lalaki
 
 
AASTIG-ASTIG pero nai-star struck din pala ang baguhang singer-composer na si Yeng Constantino.

Sa launching ng first album nito under Star Records, inamin ng Pinoy Dream Academy Grand Star Dreamer na na-starstruck siya kina Gary V. at Piolo Pascual nang makita na niyang dumadaan sa kanyang harapan ang magagaling at respetadong singers-actors.

Napakabilis ng pagsikat ni Yeng at maging siya ay ‘di makapaniwala na pagkatapos niyang manalo sa PDA, ngayon ay may condo unit na siya, may sasakyan at nakabili na rin ng lupa sa Montalban, Rizal upang patayuan ng paupahang bahay.

Sobra-sobra ang pagsusumikap ni Yeng para sa kanyang pamilya at talagang ginagawa niya raw ang lahat para mapaganda ang buhay nila.

Pero kaakibat ng pagsikat ni Yeng ang mga intriga kaya naman ngayon pa lang, may mga isyu nang naglalabasan na lumaki na raw ang ulo ng batambatang singer-composer at nalasing na sa isang basong tubig.

“Naku, hindi po. Ganito lang po talaga akong kumilos at magsalita. ‘Di kasi ako pasosyal, mas komportable po ako sa ganito (nakasuot ng Chuck Taylor kumpara sa high-heeled shoes na karaniwang isinusuot ng mga babae).”

Pero nilinaw din niyang babaeng-babae pa rin siya at lalaki pa rin ang gusto. Pero sa ngayon, wala muna raw siyang love life dahil mas focused siya sa kanyang career.

So, sorry na lang kay RJ Jimenez na naging close niya sa loob ng Pinoy Dream Academy.
 
 
 
 
l  About us  l  Gallery  l  Contact us  l  Links  l  Archive  l  Be a Publisher  l  Advertise  l  Classified  l
Copyright 2006. All Rights Reserved