I  Home  I  Entertainment  l  Lifestyle  l  Business  l  Places  l  Music  l  Sports  l  News  l
 
Advertise
Advertise
 

Payag magpaanak nang magpaanak, pero…
Mylene, ‘di naniniwala sa kasal

 
 

MAS enjoy si Mylene Dizon sa kanyang buhay ngayon na single at walang commitment. Hiwalay na sila ni Paolo Paraiso na ama ng kanyang 1-year-and-9-month old baby na si Thomas, but they’re still friends.

Mas malaya nilang nagagawa ngayon ang mga bagay-bagay na gusto nila, at ‘di naman daw nagkukulang si Paolo sa kanilang anak. Tuloy ang sustento nito, and he visits his son regularly, na okey lang din naman kay Mylene.

Nang matanong namin si Mylene kung wala ba itong balak magka-boyfriend uli o humanap ng bagong partner, “Ang sarap mag-date, ayoko munang magka-love life.”

But if ever na magkakaroon uli siya ng karelasyon, si Paolo pa rin daw ang gugustuhin niya at dito rin niya gustong magkaanak uli.

Nakakalokah, pero si Mylene mismo ang nagsabing masaya siya sa ganitong set-up at walang balak magpakasal dahil lang sa baby.

“ Never, kahit nu’ng bata pa ako, never kong dream na magpakasal. Kahit uma-attend ako ng mga kasal, ang negative-negative ko. Kaya nga sinasabi nila sa akin, ‘Bakit ka ganyan?’ Wala, ‘di ako naniniwala sa kasal, e.”

Pero bigla ring bumawi si Mylene, “Darating din ‘yun,” meaning, ‘di pa lang ngayon, pero kung sakali raw ready na siya, baka magbago rin ang isip niya at gustuhin ding magpakasal.

Dapat lang naman, ‘di ba?

 
 
 
 
l  About us  l  Gallery  l  Contact us  l  Links  l  Archive  l  Be a Publisher  l  Advertise  l  Classified  l
Copyright 2006. All Rights Reserved