Sa
isang cooking class sa Brahma Kumaris Center (Kamuning
rd. cor T. Gener, Quezon City) kapansin-pansin na
sa loob ng kulang-kulang dalawang oras, naituro at
naipakita ang pagluluto ng anim na recipes na vegetarian.
Mga pagkaing walang karne. Magaan ang daloy ng pagtuturo,
at masaya ang lahat. At sa dami ngtaong dumalo masasabing
dumadami ang mga pinoy na vegetarian.
20,000
kilo ng dumi araw-araw
Pero
kung ang awa sa hayop ay hindi sapat, maaaring subukan
ng isang tao ang maawa sa sarili. Sa mga pag-aaral,
lumalabas na ang katawan ng tao ay hindi angkop sa
pagkain ng karne. Ang mga hayop gaya ng tigre, leon,
pusa, aso, ay maraming imbak na hydrochloric acid
sa tiyan para tunawin ang karne. Ngunit ang tiyan
ng tao ay 20 beses na mas kaunti ang lamang hydrochloric
acid kayat hirap itong lusawin ang karne. Dagdag pa,
ang bituka ng leon, tigre, pusa, aso ay tatlong ulit
(3x) na kasinghaba ng kanilang katawan. Kaya’t
mabilis nilang nailalabas ang sapal ng karne. Pero
ang bituka ng tao ay labindalawang ulit (12x) na kasing
haba ng kanyang katawan. Kaya’t matagal bago
niya mailabas ang sapal ng karne. Nabubulok na ang
karne sa loob ng kanyang bituka, na siya namang pinagmumulan
ng sari-saring karamdaman. Mahaba ang listahan ng
mga sakit na direktang mai-uugnay sa pagkain ng karne.
Kawawa ang katawan ng tao.
Ngunit
kung hindi pa rin sapat ‘yan, maaari nating
subukang maawa sa ating mga anak. Dahil mamanahin
ng mga bata ngayon ang mundo, tignan natin ang antas
ng polusyon sa ating paligid. Anong klaseng mundo
o kapaligiran ang mamanahin nila? Ang industriya ng
karne (baboy, baka, manok, atbp.) ang isa sa pinaka-malakas
lumikha ng polusyon sa mundo. Halimbawa ang isang
babuyan sa Sta Maria Bulacan. Nasa gilid ng kalye
papuntang San Jose del Monte City. Sa gilid ng babuyan
ang isang bangin, at sa ilalim ay may ilog. Katabi
din ang tulay sa ibabaw ng ilog.
Sa
isang balita sa TV lumalabas na may 10,000 baboy ang
pinatataba duon. At dahil patabain ang mga baboy,
sila ay pinakakain ng tuloy-tuloy, kaya naman tuloy-tuloy
din ang kanilang pagdumi. Sa loob ng 24 na oras, ang
bawat baboy ay dumudumi ng di kukulangin sa dalawang
kilo. Kaya’t ang 10,000 baboy ay lumilikha ng
20,000 kilo ng ebak (dumi), araw-araw. ‘Yan
ay dalawang metric tons araw-araw. Tuwing dumadaan
ang bus sa harap ng babuyan talagang nagtatakip kami
ng ilong sa tindi ng baho. Ang mga bahay sa tapat
ay nakasaradong lahat ang bintana at ayon sa balita,
marami sa mga residente ay may sakit sa baga. Walang
reklamo ang kapitan ng barangay dahil lagi naman daw
siyang binibigyan ng litson ng management ng babuyan.
Pagbibigay-buhay
Ipinakita
din sa TV ang waste treatment ponds ng babuyan. Dalawang
hukay na parang pala-isdaan sa likod ng higanteng
kulungan. Sa mga ito raw nililinis ang dumi ng mga
baboy. Ngunit ayon sa mga environmentalist na nag-imbestiga,
hindi kakayaning linisin ng mga ito ang dalawang metric
tons na dumi ng baboy araw-araw. Masyadong marami.
Tatagas at tatagas ang ebak. Lalo na kapag umulan
ng malakas at mapuno ang ponds. Ang pinakahuling hantungan
ng latak ng dumi ng baboy ay nasa tabi-tabi lang.
Kataka-taka ba kung bakit kulay itim ang ilog sa tabi
ng babuyan? Ilang kabataan na ang nagkasakit tapos
maligo duon. At ayon sa mga nag-testing ng tubig sa
ilog, puno ito ng bacteria. Maituturing nang patay
ang ilog. Isang babuyan pa lang yan. E higit isang
dosena ang malalaking babuyan sa Bulacan. Kaya naman
malaking bahagi ng river system ng lalawigan ay kontaminado
na.
Suriin
niyo ang mga manukan, bakahan, babuyan, pala-isdaan
na malapit sa inyo, at mararanasan nyo ang polusyon
sa hangin, tubig at lupa sa paligid nito. Kawawa ang
kapaligiran, ang mundo.
Ang
salitang vegetarian ay galing sa latin, vegetare.
Ibig sabihin ay magbigay buhay, sa ingles “to
enliven.” Ang pagkaing vegetarian ay nagbibigay
buhay sa ating katawan, sa mga hayop, sa kapaligiran.
Higit sa lahat nabibigyang buhay ang ating kakayahang
makaramdam ng awa o compassion para sa lahat ng nilalang,
sa lahat ng oras.
Si
Jojo ay naging cook ng isang meditation center kung
saan bawal ang karne.
Bagong
taon ay magbagong menu
Walang
Karneng Veggie Paella
Mga
sangkap
3
½ c long grain rice (mas ok kung basmati) Hing
1
tbsp chopped celery
½
c diced red & green pepper
½
tsp paprika
½
tsp thyme
½
tsp ground pepper
½
kilo button mushroom
½
kg oyster mushroom
½
kg veggie hotdog
1
c tomato sauce
2
tbsp kasubha
1
tsp rock salt
½
c green peas
6
c vegetable stock (or water)
1/3
c cooking oil (olive oil sana)
Pagluluto
Hugasan
ang bigas at tanggalan ng tubig. Ipandilig ang hugas
bigas sa paboritong halaman.
Initin
sa wok ang olive oil, hing, celery, mushrooms, veggie
hotdog. Ihalo ang mga spices - ground pepper, paprika,
thyme, kasubha, rock salt at idagdag ang tomato sauce
at ang hinugasang bigas. Haluin ilang minuto. Isama
ang vegetable stock, at ilagay sa rice cooker at isama
ang green peas.
Note
: ang hing ay pulbos na mabibili sa mga Indian stores.
Pero kung gusto ninyo pwedeng gamitin ang bawang at
sibuyas na panggisa imbes na hing. Marami ding mabibiling
veggie hotdog sa mga health foodstores o tindahan
ng mga Seventh Day Adventists. Ang pagluluto ay isang
art form na malaya. Huwag matakot mag-eksperimento.
Eggless
Fruit Cake
Mga
sangkap
DRY
500
gms. whole wheat flour
3
c. brown sugar
2
tsp. baking soda
1
tsp salt
WET
2
c. overripe banana (“bungulan” kung meron)
1
c. milk (evaporated)
2
tsp. vanilla
1
c corn oil (no shortening or lard)
Pagluluto
Paghaluin
sa bowl ang mga dry ingredients tapos ay itabi. Paghaluin
din sa isa pang bowl ang wet ingredients hanggang
ang oil ay hindi na nakahiwalay.
Paghaluin
ang wet at dry ingredients. Haluin ng husto pero ingatan
na huwag sumobra ang paghalo, dahil baka maging pudding
ang fruit cake. Gamitin ang teknik na “folding”
sa paghahalo. Itanong sa pinaka-malapit na panadero
ang teknik na ito.
Lagyan
ang pan ng butter para huwag manikit ang mix. At ihanda
ang oven sa 300 degrees farenheit. Isalin ang mix
sa pan, at saka ipasok sa oven. Kapag umalsa na ang
mix, testingin sa pamamagitan ng pagtusok ng toothpick.
Kapag hinugot nyo at walang nanikit sa toothpick ibig
sabihin ay luto na ang inyong fruit cake. |