I  Home  I  Entertainment  l  Lifestyle  l  Business  l  Places  l  Music  l  Sports  l  News  l
 
Advertise
Advertise
 
 
Diether nag-bold para sa mga hayop
 
 
Nagpakita ng kanyang magandang katawan ang hunky actor na si Diether Ocampo sa latest ad campaign ng animal-rights group na People for the Ethical Treatment of Animals (PETA) Asia-Pacific.

Sa shoot na ginawa last November 30 sa studio ng photographer na si David Fabros, nag-pose nang hubo ang Star Awards Best Drama Actor sa loob ng isang kahong may zebra stripes. Pero nakatakip naman sa kanyang privates ang isang karatulang may sulat na “Naked Truth: Animals Don’t Belong in Zoos.”

Nag-volunteer ang boylet na ito ng magandang aktres na si Kristine Hermosa na mag-pose para sa PETA ad dahil sey niya, “I love animals.” Nananawagan kasi ang PETA na isarado na ang mga zoo at i-rehabilitate ang mga animals para mamuhay sila nang normal at hindi nakakulong lamang.

Ani Diet, kailangan daw niyang gumawa ng kakaiba para mapansin ng tao ang mensaheng gusto niyang iparating. Aniya, “When you show some skin, people pay attention. It starts a debate.”

Ayon pa sa aktor, mas educational ang mga video documentaries na nagpapakita ng mga hayop sa kanilang natural environment kesa tignan ang isang hayop na nasa loob lamang ng maliit na cage.

“Animals in zoos are always either asleep or standing around doing nothing,” ani Diet.

Sa pag-pose ni Diet for PETA, kahilera na niya ngayon ang iba pang celebrity advocates gaya nina Borgy Manotok, Ornussa Cadness, at Isabel Roces, at maging nina Pamela Anderson, Joaquin Phoenix, Anna Nicole Smith, at Simon Cowell.

 
 
by Rona Lisa A. Co
 
l  About us  l  Gallery  l  Contact us  l  Links  l  Archive  l  Be a Publisher  l  Advertise  l  Classified  l
Copyright 2006. All Rights Reserved