I  Home  I  Entertainment  l  Lifestyle  l  Business  l  Places  l  Music  l  Sports  l  News  l
 
Advertise
Advertise
 

Mga Bagong Pulitika at Pulitiko

 

Kung pamantayan, o standard ng traditional politics ang pagbabasehan, kumain sana ng alikabok sa huling election itong sina Governor Grace Padaca at Gov. Among Ed Panlilio. Pero alam na ng lahat na hindi.


“Wala akong election fund,” sabi ni Gov. Padaca sa audience na tinipon ng People’s Assembly for Genuine Alternatives to Social Apathy (Pagasa) Sa ikalawang pagtakbo niya sa eleksyon sa Isabela, bukod sa barya-barya, “donation in kind, gaya ng biscuits, bottled water,” ang mga natanggap niyang suporta.

Ang Isabela ay isa sa mga probinsya na ikinukonsidera bilang teritoryo ng traditional politicians. Sa loob ng 40 taon, dy-nasty ng angkan ni Faustino Dy Jr., tinalo niya sa pagka-gobernador noong 2004, ang umupo sa iba’t ibang level ng local government units ng probinsya..

“High moral ground ang panapat namin,” ito naman ang inilahad ni Gov. Among Ed sa unang kandidatura niya sa Pampangga nitong 2007. Kung sa kabilang partido ay pumipila ang mga tao para humingi ng pera at pagkain, mahaba rin ang pila sa kanila, “mga nagdu-donate,” ng kahit magkano at panawid-gutom noong panahon ng kampanya.

Gaya ng Isabela, ang Pampangga y kuta in ng mga trapo o traditional politicians. Ang mga pinataob ni Gov. Among Ed sa probinsya nila ay sina dating gobernador Mark Lapid, anak ni Sen. Lito Lapid; at si Baby Pineda, asawa ng kilala at sinasabing jueteng lord na si Bong Pineda.

“Jueteng lord can make a barangay councilor, barangay captain, municipal/ city councilor, mayor, board member, congressman, senator and a president win,” kwento pa ng dating pari na naging pulitiko. Pero nitong nakaraan, nabigo ang jueteng lord sa gobernador.

Pinakamahirap

Tugma ang mga obserbasyon ng dalawa, na ang pinakamahirap na bahagi ng pagiging “new politician” ay ang pag-upo sa pwesto at pagpapatupad ng mga programa.

Dahil hindi sinunod ng mga Dy loyalist sa kapitolyo ang awtoridad at ayaw sumuporta sa programa ng bagong gobernadora, kinailangang suspendihin ang mga ito para lumarga ang serbisyo ng pamprobinsyang pamahalaan.

Samantala, habang hindi pa naibabang-luksa ang dalamhati sa barangay upisyal na supporter ni Gov. Among Ed, pinatay noong kampanya, umapila siya sa audience para sa tulong na magsusulong ng jueteng eradication program sa probinsya.

Sabi pa niya na ang shortlist ng mga awtoridad na may kakayahang pumigil sa iligal na sugal ay hindi umaabot sa kanya. Ang shorlist na ito ay pinipili ng mga lider ng gobyerno at civic groups para makatuwang ng kapitolyo.

Hinihinala niya na ang impluwensya ng jueteng lord ay umaabot sa higher command at lehitimong upisina ng mga awtoridad at pamahalaan.

Inaakala ng mga supporter at lider na namihasa sa tradisyunal na pulitika, na kagaya rin nila ang dalawang new politicians. “Pero kailangang ipakita sa kanila ang tapat na pagsiserbisyo,” para makita ang pagkakaiba ayon kay Bing Franco, staff ni Gov. Padaca.

Ang subsidy sa aning palay ng mga magsasaka sa Isabela ay naitaas sa P11.00 kada kilo mula sa average na P5.00. Ayon pa sa polio survivor na gobernadora, “70 percent of Isabelino farmer’s produce,” ay pwedeng ipamahagi sa labas ng Isabela.

Sa panig ni Gov. Among Ed, sa loob ng sampung buwan, ang kapitolyo ay “nakaipon ng P200 milyong quarry collections.”

Wala, wala, wala

Sa huling speech na nakalaan kay Mr. Nicanor Perlas, Pagasa, ipinaliwanag niya na bagamat walang pondo, walang goons, walang baril, walang political strategy at walang political machinery, na karaniwang mayroon ang mga Trapo, ang phenomena nina Gov. Grace at Gov.Among Ed, ay “symptoms of a problematic political system.”

“People are dissatisfied with the state of decadent politics,” ayon pa sa tagapagsalita ng PAGASA. Tinukoy pa niya na ang disgusto ng mga tao sa mga trapo ang siya ring nagpanalo sa mga bagong pulitiko.

( PIX 1) ANG PAGBABAGO. Governors Ed Panlilio of Pampanga and Grace Padaca of Isabela with Nicanor Perlas of PAGASA.

 
 

By Abet Umil

 
l  About us  l  Gallery  l  Contact us  l  Links  l  Archive  l  Be a Publisher  l  Advertise  l  Classified  l
Copyright 2006. All Rights Reserved